"You scared me!" Bulyaw ko rito at saka lumapit sa screen habang habol ang hininga at nakahawak pa sa dibdib.
Biglang lumitaw si Koleen sa screen at napakunot noo ako nang makitang iba na ang background n'ya. Parang wala na sa kwarto n'ya, e.
"Naka sakay kana ba sa kotse?" Nagtataka kong tanong habang napapakurap.
Ngumisi s'ya at umiling-iling kahit halata naman na nasa kotse sya. "Baka 'yung kotse 'yung nakasakay saakin?"
Napawi ang ngiti ko at pinakitaan s'ya ng dirty finger sa screen, rinig kong tumawa s'ya kasabay ng pag andar ng makina kaya na kumpirma kong nasa kotse na s'ya.
Napangiti ako at mapangasar na tumingin sakaniya. "Sabi mo ayaw mo?"
Umirap s'ya saakin saka ngumuso at pinipigilan ngumiti. "On the way."
Nagtawanan kami hanggang sa nagpaalam na s'ya at kailangan n'ya na raw mag drive papunta rito. Kay papa na kotse ang gamit n'ya for sure, itinakas n'ya nanaman.
"Ba't mo naisipang lumipat agad?" Tanong Koleen habang tinutulungan akong mag impake ng mga damit.
Napaisip ako. Hindi ko naman pupwedeng sabihin na lilipat ako para kay Koji, edi bibili ako ng dalawang iPhone nito?
"Kailangan na." Palusot ko na tinanguan n'ya naman. Nakaupo ako sa sahig habang nakaharap sa nakabukas na cabinet, ihiniwalay ko 'yung mga dadalhin kong damit at mga iiwan lang dito sa condo. Si Koleen naman ang naglalagay ng mga damit sa maleta.
"Hindi mo kayang mag-impake magisa?" Tanong n'ya ulit habang tinitupi ang iniabot kong t-shirt sakaniya.
Natawa ako at tumingin sakaniya ng matagal. "Kaya ko malamang."
Ngumisi s'ya at umupo sa kama ko. "Bakit mo pa ko pinapunta?"
Umiwas ako ng tingin, sinubukan kong magisip ng isasagot at baka kaunting mali lang ay mahalata ako. Alam ko namang matatanggap n'ya ako pero ayaw ko parin s'yang gulatin, lalo pa't todo deny din ako noon na hindi ko gusto si Koji.
I smiled again and glance at her. "Isasama ko kasi 'yung...fish tank."
Napakurap s'ya sa sinabi ko at tila ba naguguluhan, itinagilid n'ya ang ulo n'ya sabay sa pag sara ng maleta.
"Bobo ka ba?" Mariin n'yang usal. "Ang hirap kaya n'yan!"
Tumawa lang ako at saka hinugot ang isang t-shirt at inilagay sa mga iiwan, maliit na sakin, e.
"Alam ko, kaya nga kita pinapunta 'di ba?" Sagot ko habang pasulyap-sulyap pa sakaniya.
Talagang mahirap, sa tingin n'ya hindi ko alam? Pero wala, e. I want to bring it with me, for Koji. Saka hindi rin ako papayag na naroon sila Red at Drei, at ako ang wala.
"Ayaw ko, ikaw nalang magisa." Nakangusong sabi ni Koleen habang naka de-quatro at tinatarayan ako. Mukhang nag-hihintay ng pera 'to para pumayag, naaamoy ko na.
Asar akong tumayo at pinaningkitan s'ya ng mata, bago lumapit at hinampas s'ya ng isang t-shirt na inilagan n'ya naman agad.
"Titira kana nga rito ng walang aalagaan, ayaw mo no'n?" Seryosong tanong ko.
"Gusto!" She said strongly. "Pero ayaw kitang tulungan. Ang hirap kaya ilipat ng fish tank."
Natigilan ako at mukhang seryoso nga s'ya na hindi ako tutulungan. Kainis, akala ko pa naman matutuwa s'ya na wala na s'yang aalagaan rito. Mas mukha pa s'yang stress kaysa sa'kin.
Ibinaba ko ang maleta mula sa kama at umupo sa tumabi ni Kole. "Ten thousand."
Napaatras s'ya at parang nag-dadalawang isip sa desisyon n'ya. "Ayaw ko..."
YOU ARE READING
Go Through The Spark (Red String Series #1)
RandomA BL STORY | ON GOING | UNEDITED Love begins when sparks hit you, they say. No matter how hard you try to avoid it, you can't escape. Your heart will find its way to go through the spark.
Chapter 16
Start from the beginning
