Chapter 1

9.8K 297 116
                                    

Chapter 1:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘


"Si Archer, dad." 

I saw the surprise on my sister's face, pati rin si Mom. Napatakip siya sa bibig habang nanlalaki ang mga mata. Nang tignan ko ang reaction nila Daddy ay hindi ko maipaliwanag iyon. Hindi ko alam kung galit ba siya dahil mariin lang siyang nakatingin sa'kin.

I saw Archer's Dad clenched his jaw. Nag-aapoy ang mga mata niya habang mariing nakatingin sa anak. Oh...

My eyes landed to the first born Soler. He's now looking at me with his blank expression. 

Gusto kong matawa dahil sa reaction nila, pero tang ina, sobrang intense. Parang nagsisi ako na naisip ko pa 'yon para matakasan 'tong hayop engagement na 'to.

"Adrian Arrow, don't make a scene. And please, stop joking." Sabi ni Mommy na kahit kalmado ay mariin ang tono niya habang may banta sa mga tingin niya. Nag-aalala rin ang mga tingin na pinupukaw niya sa mga kaharap namin. Hindi ko rin masabi kung galit ba siya sa sinabi ko.

"I'm not joking, mom. I'm serious, 'di ba, Archer?" Nilingon ko ang first born Soler na kunot na ngayon noo niyang nakatingin sa'kin kaya ngumisi ako. I come this far, hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko. Paninindigan ko na. "He's just afraid to tell his family about our relationship." Patuloy ko pa na hindi nawala ang tingin sa lalaking Soler na mas lalong kumunot ang noo.

"Adrian!" Medyo nagulat ako nang umalingaw-ngaw ang banta ni Daddy, pero tumingin ako sa kan'ya, at nagawa pang ngumisi sa kabila ng tensyon.

"I'm gay, dad." I stated. 

We all turned to look at Bliss when she abruptly stood up from her seat.

"This... this is unbelievable." She hissed. Marahas niyang pinulot ang bag at mabilis na nag-walk out. Sumunod ang tingin sa kanya ng mga bisita na nagsimula nang magbulugan. Napakamot na lang ako sa batok. Tang ina naman.

"Bliss!" Tumayo rin ang first born Soler. Tumingin pa muna siya sakin ng masama bago niya sundan ang kapatid. Halatang nagbabanta kaya mas lalo akong napangisi.

"Mr. Soler, we're sorry about this,"

"This engagement is cancelled. Excuse me." Sabi no'ng Daddy nila, hindi pinansin ang paghingi ng paumanhin ni Daddy. Sumunod din ang asawa niya at mabilis na lumabas sa malawak naming bakuran.

Tumayo si Daddy. Masama ang tingin sa'kin, "Mag-uusap tayo mamaya, Adrian." He warned.  Naglakad siya ngayon papunta sa iba pa naming mga bisita.

I sighed.

At least it's now cancelled.

Paulit-ulit ang paghingi ni Daddy ng paumanhin sa mga bisita namin. Tumayo na rin ako sa kinauupuan. Ang tahimik pa rin kasi ni ate at ni Mom. Nagpapalitan pa sila ng tingin tapos titingin din sakin.

"Arrow!"

Nilingon ko ang mga kaibigan ko nang sundan pala nila ako.

"Gago ka. Ano 'yon?" Binatukan ako ni Davy. Inakbayan naman ako ni Andrei. Naka-cross arm naman si Rowan na nakatingin sa'kin.

"My plan?" Natatawang sagot ko. Biglaan ko rin naman kasi naisip 'yon. Pagt-trip-an ko lang naman sana kasi sila, pero mukhang naniwala sila kaya ayon, pinanindigan ko na. At least, cancelled na 'yong engagement na pakana nila.

"Tang ina. Kung hindi lang talaga kita tropa, mapapaniwala mo rin ako, e." Si Andrei na natatawa na rin.

Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka may makarinig pa sa kan'ya. Masisira pa ang pinaghirapan ko kanina roon. Muntik na nga akong himatayin kanina dahil sa nerbyos, e.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon