Chapter 15.2: Digging the Past (Part 2)

Kisha’s POV

Ayoko ng ganito...mas lalo lang akong nasasaktan at nahihirapan...kailangan ko na munang lumayo sa kanya...

Itinupi ko ang papel na pinagsulatan ko ng mensahe para sa kanya bago ako umalis. Nakaayos na din naman ang mga gamit ko at isa pa hindi ko na kaya pang magtagal sa lugar na ito gayong alam ko na naman ang kung anong meron sa amin. Hindi ko naman aakalain na...ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa dahil ang totoo iba naman pala ang mahal niya. Ang tanga ko para maniwala na mahal niya talaga ako…

Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi pero sadyang makulit ang mata ko, pwede bang madehydrate ang mata? Yung tipong wala nang mailalabas pang likido? Sa kalagayan ko kasi, walang tigil...unlimited kumbaga...

Muli ko siyang tiningnan habang mahimbing na natutulog. Matapos kong malaman ang lahat kahapon hindi ko na siya kinausap. Tutal naman wala din naman siyang balak pang magpaliwanag dahil ni hindi niya nga ako magawang tingnan...kung madaan-daanan lang niya ako parang hindi niya ako kilala kaya naman napagdesisyunan ko ng umalis na muna dahil ako lang din naman ang nasasaktan. Kung sana nilapitan niya ako para magpaliwanag eh di sana hindi ko na kailangan pang gawin ‘to pero…wala eh.

I leaned on him and kissed him gently on his forehead...

“Mmmm...” Aaaack! Baka magising siya! Ipinikit ko ang isa kong mata para silipin kung nagising ba siya o hinde. Nakahinga ako ng maluwag na mahimbing pa rin siyang natutulog. Haaay. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko...ayoko ng ganitong pakiramdam...masakit kasi. Ngayon ko lang ito naramdaman...napakaforeign ng pakiramdam. Isang turistang pakiramdam na dumayo sa puso ko at ngayon gusto ko na itong paalisin, ayoko ng maentertain pa ito at ayoko ng magtagal pa siya dito sa puso ko baka hindi ko kayanin...

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng pinto. Nakita ko naman si Cross na nakasandal sa may pader na may hawak na libro sa isa niyang kamay at ang isa naman ay nakapamulsa sa pantalon niya...

“Are you sure about this?” napakapoker face na sabi niya…

“Yes” Sagot ko naman habang nakapoker face din. Ano ba yan? Nakakahawa ang expression niya. Uhh...nga pala, kasama ko si Cross pag-alis. Bakit? Eh kasi nahulaan niya na ang gagawin ko nung kasama ko siya kanina. Hindi ko alam kung mind reader din siya o sadyang tamang hinala lang talaga palagi.

“Okay then” lumakad na siya pauna sakin. Agad naman akong sumunod sa kanya. Hanggat maaari ay iniiwasan naming makagawa ng ingay dahil baka magising si Lolo G o kaya si Jiji pero mas nakakatakot kung si Van, hindi ko alam ang magiging reaksyon niya kapag nahuli niya kaming aalis...

Nakahinga na lang ako ng maluwag ng makalabas kami ng bahay....

Sumunod lang ako sa kanya at napatitig ako sa likudan niya. Ang sexy ng likod niya at bumaba ang tingin ko sa...butt niya. Shiiiiiit! Dapat pala hindi na lang ako tumingin! A-Ang....sexy pala ng....b-butt niya...Oh good Lord...linisin niyo ang pure kong utak na nabahidan na ng berde! Kasalanan ito ni Van. Nahahawa na yata ako sa kamanyakan niya.

“Hindi mo ba ako ipagdadala?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami...

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sakin. Nakapamulsa na ngayon ang dalawa niyang kamay... “No”

“Psh. Ang gentleman mo ha! Kakatuwa!”

Hindi na lang niya ako pinansin at tumuloy sa paglalakad. Psh. -__-

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!