🐈 🐀 39

18.6K 250 23
                                    


Chapter 39

Cat Villanueva

~
Dr. Hideo Canliagn40th Birthday
&
Dr. Rat and Head Nurse Cat
Baby Shower
~

Napangiti ako sa ganda ng pagkaka-layout maging sa naging desenyo ng buong venue. Naikwento sa akin ni Rat na gusto raw ni Dok Hideo na isabay sa kaarawan niya ang baby shower para sa kambal namin ni Rat. Maganda naman ang ideya para isahang selebrasyon na lang dahil same na bisita naman daw ang pupunta. At isa pa, hindi sobrang engrande ng selebrasyon. Pero mayroong dalawang location.

Ang birthday ni Dok Canliagn ay sa function hall ng Medicine School ng HC. Sa likurang bahagi lamang ito. Pagkatapos ang baby shower naman ay sa roof deck. Easy access na rin sa mga gustong dumalo o sumaksing mga staff, nurses, at doctors ng Hospital. Para kada may matatapos na duty ay makakadalo pa rin sa dalawang nabanggit na selebrasyon.

Ang nakakatuwa pa rito, pagkatapos ng selebrasyon na ito ay ang mga magre-regalo kay Dok Canliagn ay ni-request niya na i-donate na lamang sa mga charitable institutions and Foundations. Kaya gano'n na lang din ang request namin, para sa susunod na matutulungan sa mga Medical missions. Kasi kumpleto naman na sa baby materials ang kambal namin. Dahil sa mga magulang ni Rat. Kinumpleto na nila ang mga damit at gamit pambabae o lalaki ng kambal namin.

Excited na rin kami ni Rat na malaman kung ano ang kasarian ng mga anak namin. Pero para sa akin, kahit ano pa sila. Ang mahalaga ay malusog sila lalo kapag lumabas na. Magiging effective na rin pala ang Maternity leave ko, samantalang ang Paternity leave ni Rat ay effective after ko manganak dahil siya ang OB-GYN ko.

Medyo napupuno na itong function hall ng mga dumalo na Nurses o Doctors na wala ng duty sa mga oras na ito. Open naman na ang buffet area para sa lahat. Mga pang masa ang mga catering service na pina-prepare ni Dok Hideo katulad ng mga typical na makikita sa mga handaan kagaya ng pansit, spaghetti, palabok, puto, kakanin, shanghai, at marami pang iba. Pero may area kung nasaan ang mga fruits at veggie salad, tapos may table kung saan maraming mga prutas. Siyempre, healthy pa rin dapat.

Pero si Rat na laging may dalang bagyo ay nagpa-catering din at ang mga pagkain pina-prepare ay mga steaks, seafoods na baked lobsters, oysters, baked salmon at tuna at iba pang dishes ng under the sea. And dessert niya ay dark chocolate fountain at mga pwedeng ipang-deep dito. Hindi ko alam kung nagkasundo o hindi ang organizers ng event na ito. Ipagsabay ba naman as per request na rin talaga ni Dok Hideo.

Wala sa tabi ko si Rat dahil siya raw ang magho-host ng Birthday ni Dok Hideo. Pagkatapos ay si Dok Hideo raw ang magho-host ng baby shower namin sa roof deck. Ang tinamaan ng magaling, parang kinakabahan ako na silang dalawa ay magho-host nito.

Naramdaman ko na may kumapit sa braso ko.

"Sis Nurse!"

Pagbaling ko ay si Nurse Harmony iyon.

"Nurse Harmony, nakabalik ka na!"

Nagyakapan kami. Na-assigned kasi siya muli sa ibang branch ng HC Medical City dahil masyado na raw siyang nabo-bored dito sa Main. Pero alam ko naman hindi siya nahuhuli sa mga nagbabagang balita. Lalo na at kapatid siya ni Dok Hideo.

"Ang ganda ng singsing! Meron din ako niyan..." Ipinakita niya sa akin ang daliri niya na may diamond ring na rin.

Napanganga ako at napatakip ng bibig.

"Engaged ka na rin pala? Kailan pa?" Masayang sambit ko.

"Last month pa, napapayag na ako ni Dok Ivo, bwisit siya. Hmp! Pinikot ako no'n. Panagutan ko raw siya e, siraulo yata."

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon