Chapter 34Rat Velaroza
I never expected to see this woman again. Yet here she was—standing in my house, of all places. And the worst part? My parents had brought her back here. Betrayal coursed me, sharp and unforgiving, like a blade twisting deep within.
"Sumagot kayo, Mom and Dad, bakit nandito ang taong 'yan?" Malamig ngunit puno ng galit na tanong ko, pilit na pinipigil ang panginginig ng aking boses.
"Anak, we're very sorry," sagot ni Mom, halatang alanganin. "Pero isinabay na namin si Lesairra. Sa tingin namin, ito na muli ang tamang pagkakataon para makapag-usap kayo. She said may importante siyang sasabihin sa'yo... and of course, she's asking for your forgiveness."
Parang tumama ang bawat salita sa akin, pero hindi sa paraang nakakapagpagaan, parang lalo pang dinidiin ang kirot sa dibdib ko.
"Sa tingin niyo ba gusto ko siyang makita, makausap, at patawarin?!" bulyaw ko, umalingawngaw ang boses ko sa buong salas.
Napatingin ako sa kanilang lahat na nakapaligid sa akin—parang may pumipitik sa ulo ko sa bawat saglit na naroon siya. Naiirita ako, ramdam ko ang pag-init ng ulo ko sa sitwasyon na pilit nilang isinusubo sa akin.
Isa-isa ko silang tiningnan ng masama, hinahayaan ang galit sa mga mata ko na magsalita para sa akin. Gusto kong malaman nila na hindi ako sang-ayon, at mas lalong hindi ako handang magpatawad.
"Oh gosh, I hate dramas. I'm out." Pagkasabi non ni Niniana ay sinuot niya ang headphones niya at umakyat patungo sa kwarto niya.
"Magsialis muna kayong lahat sa harapan ko, umakyat kayong lahat!"
Mabilis silang sumunod maging ang magulang ko, si Taleng at Mice ang umakay kay Cat pataas din ng second floor.
Nang nasa itaas na silang lahat ay hinarap ko na muli ang babaeng hindi ko na nais pa na makita kahit kailan.
Si Lesairra. Nakatayo sa gitna ng sala, nakaakap sa sarili, parang pilit niyang pinipigilan ang pagkawasak niya. Tumama ang ilaw mula sa maliit na lampara sa mukha niya, pero hindi sapat para maaninag ko nang buo ang mga detalyeng minsang naging mahalaga sa akin.
Pareho pa rin ang lugar, pareho pa rin siya—pero parang wala na akong nararamdaman sa kanya. Wala na. Ang natitira na lang ay galit, puro at matalim, na hindi ko kayang itago.
Pagtingin niya sa akin, nakita ko ang kalituhan sa mga mata niya—parang may hinahanap siyang salita o paliwanag na hindi ko na kayang marinig. Takot? Pagsisisi? Hindi na 'yon mahalaga. Kahit anong sabihin niya, hindi na mababago ang lahat ng ginawa niya. Nakakuyom ang mga kamao ko, pilit pinipigilan na mas nagliliyab na galit na bumabalot sa dibdib ko. Pero sa loob ko, parang may apoy na lalong lumalakas, handa akong sumabog anumang sandali.
Kaya ko pa ring marinig ang boses niya nung araw na iyon, nang sinabi niyang... tapos na. Dito mismo, sa sala na ito. Sa lugar na ito, sinira niya ang buhay ko sa isang salita. Sinabi niyang hindi siya handa. Hindi kami handa. Pero ang totoo, hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Hindi man lang ako kinunsulta. Basta't nalaman ko lang na ginawa niya iyon. Tapos na ang lahat bago ko pa man maintindihan ang nangyari.
Ang anak namin.
Ang anak na hindi ko man lang nasilayan ang mundong ito.
Dapat hindi ko na hinayaang makaharap ko siya ulit. Nakatulos + ako sa kinatatayuan ko, ang mga kamao ko nanginginig sa galit. Tinitingnan ko siya, hinihintay ko ang kahit anong salita na sasabihin niya. Pero wala. Wala siyang masambi ni isang salita.
Pagkatapos ng mahabang sandali, nagsalita siya, maliit ang boses, halos hindi ko marinig.
"Ashton... "
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...