Chapter 33Rat Velaroza
Earlier...
Tuluyan na siyang nakatulog habang nakayakap siya sa akin. Dahan-dahan ko siyang inalis mula sa pagkakayakap sa akin at saka maingat siyang inihiga sa couch nang tumayo ako. Inangat ko rin ang dalawa niyang paa upang mas maayos ang kanyang pagkakahiga.
Nakangiti lamang akong pinagmamasdan siya. Alam ko na naka time-in pa siya pero ayaw ko naman na maabala ang kanyang pagtulog. Mas pinakatitigan ko ang facial features niya, malalatik ang kanyang eyelashes, here nose is average pointed, hindi sobrang tangos hindi rin sobrang pango, ito ang mga tipo ng ilong na gino-goal sa rhinoplasty. Her lips is fined crafted too, mapula dahil sa liptint na nilagay niya. Pero kahit naman na hindi siya maglagay non ay natural na ang pagka pouty red ng mga labi. She has a small mole on a upper lip and on her chin too. Isa lamang ang masasabi ko, napakasarap niyang pagmasdan.
"Dok? Tapos ka na po bang titigan si Head Nurse?"
Hindi ko namalayan na may pumasok pala sa clinic ko kaya sa pagkabigla ko ay naumpog ko ang noo ko sa armrest ng couch. Napatingin ako sa pumasok at si Dok Hideo iyon, naka cross-arms siya at mukhang kanina pa nga siya nakapasok ng hindi ko lang napapansin.
Kaagad akong napatayo, huling-huli naman na niya ako bakit pa ako magpapatay malisya.
"Dok, good morning!" bati ko sa kanya, nakasilay ang ngiti sa aking mga labi.
"Totoo nga ang kwento sa akin ni Athena na talagang ngumingiti ka na, naninibago nga raw siya pero happy naman siya, anyway... sinabi sa akin ng mga Nurse na nandito si Head Nurse, ibibigay ko kasi ito sa kanya."
Nilapitan ko siya at ipinakita sa akin ang isang folder. Tinanggap ko naman iyon dahil ibinibigay niya sa akin.
"Mga requirements and evaluation form 'yan ni Head Nurse Cat dahil nag-file na siya ng request for maternity leave, siyempre pinirmahan ko kaagad, ipasa na lamang niya sa HR upang ma-process agad lalo na yung mga benefits like SSS...Philhealth... you know..."
Tumango-tango ako, "Thanks for this, Dok. Ikaw pa personal na nagbigay nag-e-exercise ka no? Walking?" tanong ko sa kanya.
Alam ko naman na gawain na niya talagang umikot sa lahat ng unit at wards ng HC as surprise visit every Departments. Lalo na kapag after niya mag surgery ng pasyente, after non ay uuwi na siya para magpahinga ng buong araw.
"Yeah, ilang weeks na rin kasi may mga nakatambak sa table ko ng mga need pirmahan, baka magalit ka sa akin kapag hindi ko pinirmahan ang request niya."
I chuckles softly, napatingin ako kay Cat na tulog pa rin. Maaga rin siguro talaga siyang nagising.
"I won't Dok Canliagn, kasi magpapasa na rin ako ng request ng Paternity leave soon."
Sobrang organized talaga niya lagi, advance na siyang nag-file para nga naman hindi rin ma-hassle lalo na at ang bagal din ng process sa iba kagaya ng mga nabanggit kanina ni Dok.
Napatingin ako kay Dok Hideo nang tapikin niya ang balikat ko.
"I'm very happy that you smile again, welcome back, buddy."
"Hey, hindi naman ako nawala."
"Yeah, but your smile is...before. But now I'm so glad that you're gleaming genuinely again."
Hindi na ako nakasagot dahil sumaludo na siya at lumabas ng clinic ko. I-invite ko pa naman sana siya ng advance para sa baby shower next month. 'Di bale, mga this week na lang o kapag settle na ang lahat. Binalingan ko muli si Cat at mahimbing pa rin siyang natutulog, sanay na ako sa pagiging tulog mantika niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa katapat na single couch, tiningnan ko ang hawak na folder and out of curiosity ay binuklat ko ang folder at bumungad sa akin ang isang evaluation form.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...