Chapter 32Cat Villanueva
Kilig na kilig akong tinanggap ang ibinigay sa akin ni Dok Rat. Noon pa man ay talagang tumatanggap na ako ng mga pa freebies na ganito lalo na nung sa apartment pa ako. Ang cute kasi ng mga packaging ng mga ibinibigay ng HC para mga campaign kits sa mga dumalo ng medical mission. Nakakamiss tuloy sumama o ma-assigned sa mga ganito pero dahil may posisyon na ako bilang Head Nurse dito ay baka madalang na lamang ako magtungo sa mga ganoong proyekto.
Kanina pagpasok ko ay kaagad kong pinamigay ang ibang mga candy tarts na pasalubong ni Nanay at Tatay. Ang dami rin naman kasi, kaya ang mga natira ay inilagay ko nalang sa pantry ng nurse station upang may snacks kami while duty. Kahit pa noong bago palang ako sa HC ay hindi pwedeng mawalan ng pagkain ang pantry lalo na kapag ka-duty ko si Nurse Mice na siyang kapatid nito si Dok Rat. Napakahilig non kumain lalo kapag after mag rounds. Kaya mas sinisigurado ko na hindi nauubusan ng stocks lalo na ng coffee pods.
Na miss ko tuloy mag-duty sa OPD, dahil patibayan talaga lalo na at kailangang bigyan ng atensyon pang medikal ang mga nangangailangan pasyente. Kapag naman sa Emergency ay graveyard ka mapapalaban dahil kung hindi mga naaksidente ay mga manganganak ang pasyente. Mukhang lahat yata ng shift ay naikutan ko na. Ganoon pala ako kasipag. Hanggang ngayon din naman, dahil tinutulungan ko ang mga Nurses dito lalo na ang mga Intern, sila kasi ag madalas hindi pagkatiwalaan ng mga pasyente.
"What's the matter? Gusto mo pa ba ng marami?" untang ni Dok Rat sa akin.
Napasobra yata ang paglalakbay ng isipan ko habang nakatitig dito sa kit na hawak ko. Kasi naman, may ilang buwan na rin nang mabago ang buhay ko. At ito ay dahil sa kambal na pinagbubuntis ko. Ngayon ko nare-realized na binago talaga niya ang buhay ko.
"Ah, wala naman ayos na ito. Ang cu-cute lang kasi ng mga laman, napaka generous talaga ng HC sa mga freebies kits na ganito."
"Yeah, sponsor din ito ng pharmaceuticals namin and almost lahat ng medicines and first aid kits na nandito ay sa amin galing."
Napangiti ako sa sinabi niya, muli siyang tumutok sa cellphone niya. Nababasa ko na noon pa sa mga magazine or websites na laging nasa top 10 Philanthropists ng Pilipinas ang mga Velaroza. Hindi na ako gaano nag-dive pa kasi baka malula lamang ako sa mga hawak na businesses ng pamilya niya. But even if he born with a silver spoon, the humility is still on him. Even to her sister Mice. Napakabait niya kapag nasa duty lalo na sa mga pasyente. Alam ko na may isa pa siyang kapatid na babae pero hindi ko pa siya name-meet, nakikita ko lamang siya sa mga print ads at sobrang ganda rin nito. Almost girl version ni Dok Rat si Niniana Velaroza.
"All set."
Napatingin ako sa kanya dahil napatayo siya, ibinulsa niya ang phone niya sa white coat niya.
"Hmm? Ang alin?" tanong ko saka na rin tumayo.
Tapos na ang check-up ko sa kanya kaya kailangan ko na bumalik sa station ko dahil naka time-in pa rin ako. Isa sa nakakakilig ay kapag may check-up ako sa kanya ay ako lamang daw ang pasyente niya at walang ibang pinapa-appointment. Kaso ngayon ay natapat na may Medical mission siya. Hindi ko alam kung maghihintay lamang siya dito sa office clinic niya hanggang sa matapos ang duty ko.
"Nasabihan ko na iyong isa pang assistant ko na Sonologist, siya ang titingin ng gender ng babies natin kasi next month magpapa-gender reveal party tayo."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Oo nga na second trimester na ako at pwede ng makita ang gender ng kambal namin. Grabe, ganun kabilis?
"Gender reveal? Bakit ba kasi ayaw mong ikaw na lang ang tumingin?"
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...