🐈 🐀 31

20.1K 261 8
                                    

Chapter 31

Rat Velaroza

Kung sanang maka-karate ko talaga ang leeg ni Dok Flynn kaso hindi muna ngayon kung kaya ay tinaasan ko na lang siya ng kilay, next time kapag nauna ang intrusive thoughts ko ay gagawin ko na talaga na karatehin ang leeg at noo niya.

"Tatlo silang kumakain Dok Flynn, bakit hindi mo siya hayaan kumain kung gusto pa niya?"

"Pancake has a lot of sugar tapos may butter and maple syrup pa, bawal siyang masobrahan niyan 'di ba?"

Ibinigay ko pa rin sa Darling ko ang pancake na binili ko at binalingan mui si Dok Flynn habang nakalagay kanang kamay ko sa beywang ko. "Nutrionist and Dietician ka na ba? Sino ba OB-GYN dito? Ako 'di ba? Ikaw napaka—"

"Huy! Tigilan niyo na nga 'yan! Kay aga-aga marinig kayo ng ibang pasyente!" Mahinang sita sa amin ni Cat.

Sabay kaming napatingin sa kanya. Napatayo na siya at pinagpapalit-palit ang tingin sa aming dalawa ng asungot na si Dok Flynn.

Kahit kailan talaga ay iba na timpla ko sa boy best friend niyang ito.

Siguro dahil ito ang una niyang nagustuhan? Pero binasted siya?

Boy best friend my ass!

Ano bang panama sa akin ng makapal na kilay na lalaking ito? Hilahin ko kaya ito sa parking area upang magkaalaman kapag inupakan ko siya roon?

"Gusto ko ito, dahil paborito ko ang pancake, don't worry Dok Flynn."

Napangiti ako sa sinabi ng Darling ko. Tumingin ako kay Dok Flynn at pasimple binelatan siya. I know it's looks like a childish thing but, ganito rin kasi ako mang-asar ng tao lalo na kung natatalo.

Like hey! Pakiramdam ko ako ang pinili! Ako ang nagwagi! Ano ka siya ngayon ha! Kung pwede lang tumawa ng malakas ngayon, ginawa ko na.

"Okay Clyza I'm just concerned," sagot nito. Ganyan ba siya ka emotionless? Ni walang gumagalaw na facial muscles. Nagpa-botox ba siya? Weird.

And by the way, concerned my ass!

Sasagot pa sana ang Darling ko pero tumalikod na si Mr. Concerned of the year patungo sa clinic room niya.

Maya-maya nga ay...

"Sinong nagtanggal ng letter F sa name board ko?!" alingawngaw na sigaw niya.

Lahat ng Doktor, nurses, at pasyente na dumadaan ay napatingin sa kanya.

Na-curios din tuloy si Cat habang kumakain muli ng pancake na dala ko, "Dok Flynn?"

I just whistled at pasimple muling itinago ang parker pen ko na siyang ipinangdikdik ko kanina sa name board niya upang matanggal ang letter 'F' kaya ang basa na ngayon sa pangalan niya ay 'Dr. Lynn Vallejos'

Gustong-gusto ko ng bumalinghit ng tawa ngunit baka mahalata na ako ang salarin.

"Best friend mo talaga, lakas ng topak." Nagkibit balikat ako at napatingin sa kinakain niyang pancake, "Darling pwedeng patikim ng pancake?" pakiusap ko sa kanya.

Tumuon sa akin ang atensyon niya. "Huh? Gusto mo? Dok Russel?" tanong niya.

"Obviously, kaso mas gusto ka kita, Darling." Kinindatan ko siya.

Napangiti siya at humiwa ng pancake.

"Oh, ito na... dami lang pakulo, bibigyan naman."

Itinapat niya sa akin ang hiniwang pancake, ngumanga ako at isinubo iyon habang nakatitig pa rin ako sa kanya.

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon