Author’s Note: Hi! Ito na ulit ako. May pacontest nga po pala ako. Kung sino man ang makakabilang kung ilang “sa wakas” ang inilagay ko sa story na to ay magcomment lang sa baba. May chance po kayong maging OCC, o di kaya character sa story ko. Hindi po kasama sa contest itong next parts ng story ko. Mula sa part one lang hanggang sa bago ang part na to. Thanks po sa readers. :)
Kim’s POV
Inabot niya yung bote.
“Kung ganun, babye na!” sabi ni Emmanuel.
“Sure naman kaming magkikita pa tayo eh!” sabi ni Karl.
Kumaway na sila samin at naglaho sila gamit ang kapangyarhan ni Crisnah. Lahat kami ay tumingin dun sa ibinigay ni Crisnah. Makakatulong yun sa’min.
Sumakay na kami sa van. Hay, nakayellow room muna yung van. Gusto muna naming maligo. Dalawa ang banyo dun, isang for boys, at isang for girls. Akon a muna ang unang naligo. Hay, relaxing. Ang sarap talagang maligo.
Nang matapos kaming maligo ay kumain na kami. May bigla akong naisip na gawin.
“Guys, gusto niyong magparty tayo bukas?” tanong ko. “Para na din sa pagkakabalik sa’tin ni Sophie.”
“Kailangan ba talaga yun?” tanong ni Mark.
“Oo nga, at isa pa, wag bukas,” sabi ni Sophie.
“Agree ako. Teka, ba’t ba ayaw mo bukas?” tanong ni Althea.
“Agree din ako,” sabi ni Emmanuel.
“Ako din,” sabi ni Karl.
“Majority wins, panalo kami,” sabi ko.
“So anong plano niyo bukas?” tanong ni Mark.
“Wag na lang bukas,” sabi ni Sophie.
“Wala, majority wins na eh. Basta sa mall tayo kumuha ng mga gamit, okay?” sabi ni Althea.
“Kayo, basta hiwalay ang boys sa girls,” sabi ni Emmanuel.
“Oo nga!” sabi ni Karl.
“Edi fine, whatever,” sabi ko.
“Okay, mga eight ng gabi na lang bukas,” sabi ni Mark.
Nagulat kami ng biglang tumayo si Sophie. “Ewan ko sa inyo!” sabi niya.
Bigla siyang tumakbo sa passenger’s seat.
“Ano ba talagang problema niya?” tanong ni Althea.
“Oo nga, kanina pa siyang ganyan,” sabi ni Emmanuel.
“Siguro hindi pa rin siya nakaget – over sa nangyari,” sabi ni Karl.
“Mark, kausapin mo na siya,” sabi ni Kim. “sa’yo lang naman yun nakikinig eh,” sabi ni Kim.
“Okay,” sabi ni Mark.
Tumayo na siya at pumunta na kay Sophie.
