Demonic Angel - 7

48 2 2
                                    

Naramdaman kong parang may humahaplos sa buhok ko kaya napamulat ako bigla at hinawakan ang kamay nya, nilayo ko ito.

"Ano na namang kailangan mo?" Sabi ko sa kanya yumuko ulit ako at pumikit.


"Aba himala di mo ata ako sinampal ngayon hahaha" baliw talaga.


Ilang araw na nya ginagawa sa akin yan at lagi ko syang nasasampal. Pero kahit ata baliin ko ang mga kamay nya di pa rin sya titigil kakasunod at kakausap sa akin. Nauumay na ko at wala akong panahon makipagtalo sa kanya.


Naramdaman ko nalang ulit ang mga kamay nyang hinahaplos ang buhok ko.


Naramdaman ko na naman ang mga mumunting kiliti tuwing ginagawa nya yan. Di ko maintindihan kong bakit ako nakakaramdam nun. I hate this. Sabi ng ko sa utak ko.



Umayos ako ng upo at tinignan siya.



"Pwede ba tigilan mo na 'to?!" Medyo sigaw ko sa kanya.




"Bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah" inosenteng sagot nya sa akin at ngumiti.


Arrgg! Nakakabadtrip talaga. Tuwing ginagawa nya yan may kung anong humahaplos sa puso ko.


Padabog akong tumayo at kinuha ang mga gamit ko. At mabilis na lumabas ng room.



"Sandali san ka pupunta?" Rinig kong sabi nya bago ako makaliko papuntang hagdan.



Lunch break naman ngayon kaya okay lang na lumabas ako ng room. Naglakad ako patungong parking lot. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko ng may humawak sa kamay ko.


Di na ko nag abalang lingunin yun, kilala ko naman kung sino.



"Ano na naman ba?"irita kong sabi.



"San ka pupunta?"may pag alala nyang sabi.



"Wala ka na dun okay?! Kaya paki bitawan na yung kamay ko bago ko pa baliin yang mga daliri mo"



"Ede baliin mo" hamon nya sa akin



"Bakit ba ang kulit mo ha?!" Singhal ko sa kanya at tinignan ko sya ng masama.



Nakatitig lang sya sa akin na di alintana ang galit sa mga sinabi ko.



"Sasamahan kita, kahit ayaw mo. Sasamahan kita. Kahit na... Kahit na saktan mo ako o baliin tong katawan ko... Sasamahan padin kita" kita ko ang sinseridad sa mukha nya. Maharan nya ring pinisil ang kamay ko na para bang nagmamakaawa.

Di ko nakayanang makipagtitigan sa kanya kaya ako na ang unang umiwas. Marahan ko ding inalis ang kamay nya.



Tumalikod ako at binuksan na ang kotse ko.



"Fine!"sabi ko sabay pasok sa loob ng kotse ko. "Ayaw kong pinaghihintay ako"



Alam kong nakangiti sya. At lihim din akong napangiti. Teka ako ngumiti? At dahil sa bigla ko napaseryoso ulit ako.




Hindi pwede to. Hindi pwedeng may humadlang sakin. Ayoko, ayoko ng nararamdaman ko.



Nang alam kong nakasakay na sya ay agad kong pinaandar ang kotse ko. Kung san kami pupunta ay di ko din alam.





----

Sorry po ngayon lang yung update hahaha sana magustuhan nyo. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Demonic AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon