Chapter 28
Cat Villanueva
Hindi ko maipaliwanag kung gaano ang puso mula pa kaninang umaga. Sobra na akong pinapakilig ni Russel, pagkatapos ay dumating sila Nanay at Tatay. Kahit na nagkaroon ng hindi malalang drama ay masaya ako sapagkat binigay na nila ang blessings nila para sa amin. Para akong lumulutang sa alapaap. Parang ganoon na nga ang nararamdaman ko habang nandito kami sa roof deck. Mayroon ditong Garden Cafè na sadyang napakaganda rin ng ambiance kahit gabi. Overlooking na sa City lights ng buong Makati. Nagtataasan man ang mga gusali rito ay wala pa rin makakatalo sa ganda ng mga bitwin na siyang natatanaw namin.
Nagtinginan kami ni Russel. Kung ang lugar na ito ay nakaka-relax, pero mas nakakaramdam ako ng kapayapaan kapag minamasdan ko siya. Nagtungo kami sa isang okupadong for two na table. Alam kong payapang natutulog ngayon sa Guest room si Nanay at Tatay. Hininaan ko lang ang aircon sa kwarto na iyon dahil alam kong madaling sumakit ang mga kasu-kasuan ni Nanay.
As usual ay pinanghila niya ako ng upuan at naupo naman ako. Napapalibutan ng iba't-ibang mga flowers ang paligid katulad ng mga roses at variety ng mga wildflowers at take note, hindi artificial ang mga ito. Pero baka ang ibang ornaments ay artificial lang. Nang maupo siya ay nilapitan kami ng isang Crew upang kunin ang order namin. Si Russel na ang pumili sa menu dahil bukod siya siya ang nakakaalam ng mga dapat ko kainin ay baka malula na naman ako sa mga presyo ng pastries at drinks sa menu book.
"One slice of this blueberry cheesecake then two iced matcha green tea in a low lactose milk and stevia sugar."
Pagkasabi niya ng mga orders ay ibinalik niya ang menu book sa Crew. Natapos na rin ito mag note.
"Thank you, Ma'am and Sir just wait for a while for making your order," nakangiting sabi nito saka bumalik sa counter at ginagawa na ang drinks namin.
"The blueberry cheesecake is good for you because of stevia sugar as well as sa matcha din, good for the digestion. Mahilig ka naman sa matcha 'di ba?" tanong niya.
"Slight lang, pero gusto ko naman ang lasa."
He hold my hand and smiled at me, "Good then,"
At mabilis nga lang na nai-serve ang order namin. Isang slice lang ang in-order niya dahil hindi naman daw siya mahilig sa sweets. Ibinigay niya ang card niya sa Crew for payment.
Hindi na ako nag paligoy pa na tikman ang blueberry cheesecake. Hindi siya nakakaumay ang tamis dahil siguro stevia sugar ang ginamit. Mas lamang ang lasa ng blueberries. Masarap siya. Sunod kong tinikman ang iced matcha green tea. Tamang-tama lang ang timpla at nagustuhan naman ng panlasa ko. Tulad nga ng sabi ko ay hindi ako maselan sa pagkain.
"Try mo itong blueberry cheesecake, hindi siya matamis sobra," alok ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin maski ako at nakipagsabayan ng titigan sa kanya. Nako Dok, 'wag mo akong hamunin sa patitigan. Naka on mode ang malanding hormones ko ngayon. Baka kaysa mag stargazing tayo rito ay mag kissing scene tayo under the moon and stars.
Tumusok ako sa tinidor ng blueberry cheesecake at itinapat sa bibig niya.
"Here, tikman mo na kasi."Napangiti siya at tinikman ang nasa tinidor. Hindi ko alam kung ako ba ang kikiligin o siya.
"Yeah... taste good," muli siyang napatitig. "But your lips taste better."
Nabitawan ko ang tinidor at napatitig din sa kanya. Napatakip ako ng mukha dahil pakiramdam ko ay ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Uy si OA, ang sabi niya masarap labi ko hindi ganyan, 'wag feeling.
Binuksan ko ng bahagya ang isang daliri ko upang makita ang reaksyon niya. Nananatili lang siyang nakangiti. "You're so cute," he said at kinuha ang tinidor saka kumain muli ng blueberry cheesecake.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series #3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...