🐈 🐀 27

19.4K 263 28
                                    

Chapter 27

Rat Velaroza

Siguro ay wala namang masama sa mga sinabi ko. I'm just doing what am I capable to do and give for Cat and our twins. I really hope that's my parents are here too.

Mga nasarapan na sa ibang bansa edi sana ay kinakabahan din si Cat ngayon.

Just kidding.

My parents are both kind, caring, and sometimes...cool.

Sumasabay sila sa daloy ng panahon lalo na sa kung ano ang trip ng dalawa kong kapatid na babae. Hindi ko nga alam kung nabasa na nila ang emails and messages ko kasi kung hindi ay baka nagpalit na naman sila mobile phone at numbers. Well, actually iyon lang talaga ang kinaka-stress ko sa kanila kapag biglang nagpapalit ng cellphone kasi sumasabay sila sa latest version. Kasabay non ay magpapalit din sila ng number para daw uniform.

Hindi sila mahilig sa mga usong social media sites. Mas babad sila sa X that formerly twitter. Lagi silang nag retweet ng mga latest news or rumors doon.

Kaya kumbaga ay baka old school parents ang mga magulang ni Cat kaysa sa mga magulang ko na suportado ang mga desisyon namin sa buhay basta 'wag lang kabulastugan. At dahil ang tagal bago nila ako sundan. Buong akala ko nga ay hindi na ako magkakaroon ng kapatid pero dahil devoted ang magulang ko sa pagtulong sa mga orphanages at charitable institutions ay iniisip na lang niya na may gantimpalang ibalik sa kanila ay pagkakaroon ng isa pang anak. Kahit na sinasabi na noon ng OB niya na imposible na siyang magkaanak muli.

Laking tuwa ko rin naman na nasundan pa ako at si Niniana iyon. Ayos nga rin na naging malayo ang agwat ko sa kanila dahil natulungan ko si Mom noon sa pag-aalaga sa aking kapatid. At makalipas nga ng tatlong taon ay muling nabuntis si Mom sa bunsong kapatid ko na si Mice. Actually, menopausal baby na si bunso. Naging maayos naman ang relationship naming magkakapatid. Bukod sa Kuya nila ako ay ako rin ang kanilang tagapagtanggol. Hindi naman din ako sobrang higpit sa kanila pero kung sobrang tigas na ng ulo nila ay talagang umiinit din ang ulo ko.

Kaya sana naman ay sumagot na sila sa direct message ko sa kanila sa X. Naiinip na rin ako kaka check sa message box kung may reply na sila. Baka naman nirayuma na sila sa winter ng Finland. Active pa silang nag skiing doon akala mo mga hindi rumurupok ang mga buto.

Napatingin ako kay Cat nang pigain niya ang kamay ko. Lumapit ako ng bahagya sa kanya at may binulong.

"May pang BP ako, don't worry."

"Ako rin meron, 1wag mo naman biglain si Tatay." Bulong niya rin. Tumayo siya upang kunin ang pamaypay kay Taleng.

"Paki kuha ng tubig si Tatay, ako na magpaypay," sabi niya rito.

At sumunod naman si Taleng.

Napatayo na rin ako at kinuha ang remote ng aircon at nilakasan ang aircon. Malamig naman ang paligid? Bakit may nahihimatay pa rin?

Dumating na si Taleng na may dalang isang basong tubig at ibinigay kay Cat.

Kaagad naman na nagkamalay muli ang Tatay niya at uminom ng tubig. Bumaling siya sa akin.

"Mister, maupo ka muli. Ako'y nabigla lamang, ayos lang ako."

Sumunod naman ako at umupo sa couch na siyang katapat niya.

"Practice the right breathing exercise regularly, para hindi po madalas atakihin ng panic," bilin ko na lang.

"Base sa aking mga nasaksihan, mukhang masaya naman sa'yo ang aming nag-iisang anak."

Umayos ng pagkakaupo ang Nanay ni Cat. Samantalang siya ay bumalik sa tabi ko. Si Taleng naman ay tumabi sa Nanay ni Cat upang abangan rin ang sasabihin ng Tatay ni Cat.

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon