"Hindi ka pa rin ba nagpapakita sa mga kuya mo?" May bahid na lungkot na tanong n'ya.
"Hindi pa ho," nakayuko kong sabi sa kanya.
"Sobrang nasaktan sila no'ng araw na umalis ka at hindi na nagpakita. Hanggang ngayon umaasa pa din sila na mahahanap ka nila."
"Alam ko naman ho yon kaya lang hindi pa kase ito ang tamang oras para do'n."
"Kailan ang tamang oras?"
"Hindi ko pa ho alam,"
"Ikaw ang bahala at hindi naman kita pinipigilan sa ano man ang maging desisyon mo. Hindi ka naman siguro magagalit kung itatanong ko ito sa'yo apo." Napahinto ko sa paglalakad dahil sa sinabi n'ya.
"Ano ho yon?"
"Kailan ka babalik sa bansa natin? Alam mo bang namimiss ka na nila, sabi nila sa'kin iuwi na daw kita." Dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Kaya ba s'ya pumunta dito para do'n?
"A-Ah m-matatagalan pa ho yata bago ko makauwi do'n,"
"Pero namimis ka na ng mga a-" pinutol ko na ang sasabihin n'ya bago n'ya pa yon tuluyan pang masabi.
"Magpapahinga na ho ako," mabilis ko na s'yang tinalikuran at pumasok na sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto ay do'n na bumuhos ulit ang mga luha ko. Hindi ko pa rin sila matanggap, alam kong wala naman silang kasalanan sa nangyari pero hindi ko maiwasang hindi magalit sa kanila. Dahil parang lahat ng nangyayari sa'kin ngayon ay kasalanan nila.
Hindi pa ito ang tamang oras para makita ko sila. Hindi pa!
Sa loob ng dalawang araw ay nanatili lang ako sa bahay ng babushka at madaling araw na din ako umuwi. Pasukan na naman at ngayon ang Inter Campus. Alas otso na'ko nakarating sa school dahil may dinaanan pa'ko.
"Zheyyy!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ni Krisha.
"Hm," hindi nila kasama yong mga lalake siguro naghahanda din para sa laban nila sa basketball mamaya.
"Wahhh! Ang cute mo sa suot mo!" Nakasuot kase ko ng pang soccer dahil may laban kami mamayang alas diyes.
"Hm,"
"Mamaya pa yong laban mo diba? Panoodin muna natin sila Zhay, maya maya magsisimula na yon."
"Sige," kumapit naman s'ya sa braso ko. Txz ano namang pakealam ko sa gagong yon. Pumunta na kami sa court at parang lahat ng estudyante ay nandito. Anong school naman kaya ang kalaban nila?
"Zheiravil!" Kumunot ang noo ko sa tumawag sa'kin. Tangina ba't nandito tong hayop na'to?!
"Txz!"
"Guess what dito na din ako mag-aaral," nakangising sabi n'ya.
"Txz!" Ano na naman bang plano nitong hayop na'to?!
"Zheyyy!" Napatingin naman ako kila Krisha ng higpitan nila yong kapit sa braso ko.
"Hey!" Napatingin naman sa kanya ang hayop na'to.
"Zheyyy!" Takot pa din nitong sabi.
"Tangina! Lumayo layo ka ngang hayop ka!" Inis kong sabi sa kanya.
"Look girls hindi ako nandito para manggulo okay? Nandito ko para mag-aral ng mabuti and also para bantayan kayo."
"Txz!" Naguguluhan naman s'yang tinignan ng mga babae.
"Tanungin n'yo na lang si Zheiravil," pagkasabi n'ya no'n ay tinignan naman nila ko.
"Maniwala na lang kayo sa lalakeng yan," hindi ko na sila inintay na magsalita at tinalikuran na. Nang makahanap ako ng bakanteng upuan ay umupo na'ko at gano'n din sila. Pero ang hayop ay tumabi sa'kin.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
{*S~h~e~'~s~ y~o~u~r~D~e~v~i~l~*}
AksiyonWalang nakakaalam dahil hindi nila ito nararamdaman, Walang nakakapansin dahil hindi nila ito nakikita, At walang may pakialam dahil hindi nilä ito kilala!!! Namnamin at lasahan mo ang iyong mararamdaman, Oras na simulan mo ito!! Panindigan ang maki...
Chapter 27
En başından başla
