"Ate Klay." Ngiting pagbati ni Juli ng makalapit sa dalaga. Sinuklian naman ni Klay ang ngiti ni Juli.

"O, Juli. Pagod ka na ba? Gusto mo bang magpahinga saglit?" Tanong ni Klay kay Juli. Sumenyas naman si Juli na hinaan ang boses pagkat baka marinig sila ni Basilio at isiping pagod nga sya. Baka pwersahin sya ng nobyo na magpahinga at lalo lang silang mahuli.

"Naku hindi po, ate Klay. Maayos pa po ako. Huwag nyo po sana iparinig yan kay Basilio. Baka isipin nyang pagod nga talaga ako. Halos ayaw nga nya sana akong payagang sumama sa inyo at tumulong na maghango nitong mga gulay at prutas. Nakakahiya naman kung hindi ako tutulong." Paliwanag ni Juli. Naintindihan naman iyon ni Klay at sumang-ayon. Nangiti ang dalaga sa nakikitang relasyon ni Basilio at ni Juli. Nagpatuloy na lang sila sa paglalakad. Nakailang metro rin sila ng lakad bago muling nagsalita si Klay.

"Alam mo, Juli. Napakabait talaga nyang si Basilio. Simula pagkabata nyan, nakilala ko na sya. Mapagmahal na kapatid at anak. Masipag at marunong tumanaw ng utang na loob. Kaya makakaasa kang magiging tapat sya sayo. Sobrang swerte mo, Juli, kay Basilio at ganun din sa iyong ama at lolo. Bukod dyan, lagi kaming andito para sa iyo. Lagi mo sanang tandaan na mahal ka naming lahat. At hindi ka, kailanman, nag-iisa." Madamdaming paghayag ni Klay para kay Juli. Hindi lingid sa isip ni Juli kung bakit iyon tinuran ng nakakatandang dalaga. Alam nilang lahat ang nangyari sa kanya sa kamay ni Padre Camorra. Alam din nilang lahat ang pagtangka nya sa kanyang buhay. Masakit parin ang lahat, ngunit unti-unti ng bumabangon si Juli. Iyon ay dahil sa mga kaibigan nya. At si Klay na ngayon ay nagsisilbing parang nakakatandang kapatid na nya. Lahat sila'y naging sandigan ni Juli sa pinakamahirap na parte ng kanyang buhay.

"Ate Klay. Salamat po sa lahat lahat ng ginawa mo para sa akin. Kay laki ng utang na loob ko sa iyo. Kahanga-hanga ka po talaga. Si Isagani na may matinding kumpiyansa sa sarili at si Ginoong Fidel na magiting ay napapasunod mo. Napaka-swerte nyo po at may angkin kayong tapang at talino. Kahit si Basilio'y puro papuri ang sinasabi sa akin patungkol sa inyo." At taos-pusong lahat ang sinabi ni Juli. Malaki talaga ang pinagpapasalamat nya kay Klay. Kung hindi dahil sa dalaga'y hindi nya maaalala na kay sarap nga palang mabuhay lalo't may mga nagmamahal sa iyo.

"Ah sus, binola pako nitong future wifey ni Basilio. Ganoon ka rin naman. Maganda, matalino at may sariling tapang." Papuri pabalik ni Klay sa kanya. Hinaplos ng kanang kamay ni Klay ang ulo ni Juli. Para bang napagaan ng gawi ni Klay ang pakiramdam ni Juli ng sandaling iyon. Patuloy nilang tinahak ang landas patungo sa kuta.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Pagkatapos ng halos isang buong araw ng paglalakbay ay sa wakas, narating na rin nila ang bayan ng San Diego sa Laguna. Kasama nya sa kanyang biyahe ang kanyang kuchero mula sa dormitoryo nya sa Maynila hanggang sa nakarating na sila dito sa kanilang paroroonan. Nagsimula silang bumiyahe ng alas-kwatro ng umaga dahil gusto nilang marating ang San Diego ng bago dumilim. Nang dahil sa kaunti aberya, medyo nahuli ng kaunti ang dating nila. Alas-siete na ng gabi, kababa lang ng araw. Ngunit, kahit na nagpapasalamat siya na narating na nila ang San Diego, nasaan nga ba ang casa na tinutuluyan ng kanyang mga amigo?

"Mang Jaime, maari po ba tayong tumigil saglit. Magtatanong lang sana ako ng direksyon. Baka alam ng iilang dumadaang tao ang direksyon patungo sa Casa Delos Santos." Ani ng binatang pasahero ng karwaheng kanina pa naglalakbay mula Maynila. Saglit namang nilingon ng kucherong si Mang Jaime ang kanyang binatang amo.

"Nako, señorito. Ako na po ang bababa para magtanong." Mungkahi ni Mang Jaime. Pagayak na sana sya pababa ng pinigilan ito ng binata.

"Huwag na po, Mang Jaime. Ako na po ang bababa. Magpahinga na lang po muna kayo diyan habang ako'y nagtatanong. Maghapon na po kayong nagmamaneho nitong karwahe natin. Gasino na pong ako na ang magtanong dito upang kahit sandali'y maipahinga ninyo ang inyong kamay at likod." Pigil ng binata sa kanya. Nangiti ang nakakatandang lalaki. Swerte sya sa kanyang amo bilang napakabait nito. Kaya ng inihiling nito na ihatid sya sa San Diego'y hindi sya tumanggi kahit na ilang araw syang mawawalay sa pamilya.

Moments In Timeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن