Chapter 26Cat Villanueva
Katulad ng ilang telenobela. Magagalit ang magulang dahil sa nalamang lihim ng anak ay mukhang gano'n ang kahihinatnanan namin sa mga oras na 'to. Habang palapit kami sa mga magulang ko at magkahawak kamay pa. Nakalapit na kami sa kanila at galit na galit sila sa akin mas lalo na kay Russel dahil binuntis ako nito. Galit si Tatay at pinipigilan ko siya hanggang sa sabihin niya na "Sampung milyon layuan mo ang anak ko!"
At ako naman ay mahihimatay at madidiskubre nila na may malalang sakit ako at may taning na ang buhay ko.
Baliw, napaka OA naman. Alam ko naman na hindi 'yan mangyayari dahil una sa lahat ay saan kami kukuha ng sampung milyon baka ang siste ay sila pa ang salpakan ng milyones ni Russel. At ako? Magkakasakit? Kaya nga ako nag Nurse upang maalagaan ko rin ang sarili kong kalusugan.
Hayan, nagagawa ng overthinking. Kaya alam ko na ngayon kaya ako sinasabihan ni Russel na praning na babae noon.
Kaharap na namin ngayon ang mga magulang ko. Hindi ko nakalimutang magmano muna. Nagulat ako nang magmano rin si Russel sa kanila.
"Anak agpalawag ka kanyami tattay ken tata mo, (Anak, magpaliwanag ka sa amin ngayon ng Tatay mo,)" sabi ni Nanay.
Napakagat labi ako nagsimula na akong kabahan sapagkat hindi ko rin naman alam kung saan ko uumpisahan na magpaliwanag. Biglaan din ang mga kaganapan ngayon at hindi ko akalain na kaharap ko sila ngayon.
"Nay... Tay... Pakawanin Dak nu inlimid ko kanya yu . Iti agpaysu na eta. Ibagak pelang Kuma iti tungkol ditoy....(Nay... Tay... Patawarin niyo po ako kung inilihim ko ito sa inyo. Sa katunayan po, sasabihin ko palang po talaga ang patungkol dito...)" Paunang paliwanag ko sa kanila.
Napansin ko ang pagkunot noo ni Russel habang nakikinig sa pag-uusap namin ni Nanay sa lengwaheng Ilocano. Pareho ba naman na sa Ilocos Norte na pinanganak, bininyagan, lumaki, nag puberty, nagligawan, nagtanan—joke lang hindi sila nagtanan maaga lang nagpakasal sila Nanay at Tatay in short, sa Ilocos Norte at bukurin na umikot ang buhay nila. Ako lang naman itong nakipagsapalaran dito sa Maynila.
Napabugtong hininga si Nanay. "Ngem kaanum nga tagala balak nga ibaga anak, nu haan nga timmawag ditoy ni Flynn ket haan mi pay ammuwan nga sabali nga Lugar ka nga nagdiyan.(Pero kailan mo pa balak sabihin anak, kung hindi pa kami tumawag dito kay Flynn ay hindi namin malalaman na sa ibang lupalop ka na pala nakatira.) "
Sumabat na si Tatay at nagsalita."Balak daka talaga gamin nga bisitain ken isopresa,anak ngem apag sangpet mi Dita apartment mo ket sabili iti nagdiyanin. Syempre awan ti ammu mo Nga nasayaat. Imbag langhin ta adda ti Numero ni nanay mo kenni Flynn(Balak ka kasi talaga naming bisitahin ng surpresa, Anak kaso pagdating namin sa apartment mo ay iba na ang nakatira. Syempre wala kaming alam mabuti nalang at may numero ang Nanay mo ni Flynn.)"
Napatingin ako kay Flynn at kasalukuyan niyang kausap si Taleng. Parang uunahan ko siya Russel na bangasan siya.
"Tutuu ba na ang saykoleges ay nakakabasa ng isep?" rinig kong tanong ni Taleng kay Flynn.
"We're just assessing someone's behavior not reading minds," sagot naman ni Flynn.
"Okey pu, templa lang ako jos." Nagtungo na si Taleng sa kitchen.
Muli akong napatingin kay Tatay. Ang dali ko talagang madistract lalo na kung kinakabahan. Pero kahit naman na taga Ilocos Norte kami ay nagtatagalog naman kami. At gusto ko na maintindihan din kami ni Russel.
Kung kanina ay kaba ang nararamdaman ko ngayon ay guilt na. Bumiyahe pa sila upang dalawin ang surpresahin ako. Siguro nag-ipon sila galing anihan noong nakaraang buwan. Pero sino kaya ang naiwan kila Lolo at Lola? Baka ipinakisuyo muna nila kila Tito na taga kabilang Baryo lang. Nami-miss ko na rin naman sila doon. Kahit bata pa lamang ako ay sa amin na nakatira sila Lolo at Lola sa side sila ng Nanay ko.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...