Day 36

39.2K 1.2K 180
                                    

NAUNAHAN ko si Meredith sa opisina kinabukasan. Dumaan ako sa Starbucks para ibili siya ng kape niya. Ako, di na ako magkakape. Masyado akong nerbyoso nang mga panahon na ito. Kailangan mo ng pruweba? Napalundag ako nang may humawak sa balikat ko. Di pa 'ko nagkakape sa lagay na 'to ha!

"Ang lalim ng iniisip!" tawa ni Meredith bago tumungo para halikan ako.

"Medyo," sabi ko na ibinabalot ang mga braso sa baywang niya. "Iniisip ko kung nakapag-toothbrush ba ako bago ako umalis kaninang umaga. Alam mo na naman na kapag tumatanda na. Memory loss."

Tumawa siya at hinalikan ako ulit. "Bango naman. Amoy mint."

I smiled at her. Tumayo ako, inabot sa kanya ang kape niya at hinatid siya sa office niya habang iniisa-isa ang mga appointments niya nang araw na 'yun.

"Natanggap ko na 'yung updated files galing kay Miss Avila tungkol sa Lee Hyun-ji project." Walang nagawa si Craig nang kumampi sa 'kin si Tito Ramon tungkol sa pagpapalit ng project lead d'un eh. Buti nga. "Nag-request siya ng meeting for Thursday at 3 PM. Dito or sa Ayala na lang?"

"Do I have anything scheduled on Thursday?" tanong niya nang marating ang table niya.

"You have a 10 to 11 conference call," sagot ko. "Pero aside from that, your Thursday is clear."

"All right. Sige, kahit sa Ayala na lang."

"Okay." I made a note on my iPad. "I also e-mailed you a list of client callbacks who are expecting to hear from you today. Naka-usap ko na 'yung iba pero may mga clients na ikaw ang gustong kulitin. I kept your calender clear of meetings until tomorrow morning para hindi ka magahol sa oras."

Ngumiti siya sa 'kin, isang masaya at thankful na ngiti. "I love you. You're the best assistant ever."

Tumawa ako at lumapit sa kanya, tumungo at masuyo siyang hinalikan. "I'm also the best boyfriend ever, di ba?"

She wrapped her arms around my neck. "Of course." She let me go. "Speaking of meetings, may naka-sched ba ako after lunch bukas?"

"Wala. Umaga pa lang ang meron. Bakit?"

"Nag-aya si Daddy ng impromptu site visit. Sama raw tayo sa kanya."

Na-excite ako kasi, yey! Gala! Pero naalala kong may hihintayin nga pala akong tawag mula sa Taiwan office bukas. "Kung after lunch, hindi ako pwede," nakalabi kong saad. "May ine-expect akong tawag ng client. 'Yung sa Taiwan. Okay lang kasi sa kanila na ako ang kausapin so hindi ko na sinasama sa schedule mo. So ako ang may meeting bukas"

Lumabi rin si Meredith. "Sandali lang naman tayo. Makati area lang. Nandito na tayo ng mga 4."

I stroked her hair. "Mga 2 or 3 tatawag 'yung client. Hindi ako pwedeng umalis." Tumawa ako sa expression niyang parang baby na inagawan ng candy. "Ganito talaga kapag assistant ng VP. Minsan, mas busy pa sa boss niya." Napahagikgik na siya. "Next time na lang ako sasama, promise."

She sighed. "All right."

I gave her another quick kiss. "Oo nga pala," sabi ko nang makatuwid ako. "Kailangan kong lumabas ng lunchtime."

"Ows? Saan ka pupunta?" tanong niya habang nakatingin sa screen ng computer niya. Alam kong tinanong niya iyon dahil curious siya at hindi dahil naghihinala siyang nangangaliwa ako, okay ka lang?

"Magkikita kami ni Kuya Lex." Not a lie. Magkikita naman talaga kami. Makikipagkita rin kami kay Nancy para i-finalize 'yung sale n'ung condo at kunin 'yung mga susi.

Areku, sikmura ko, masakit na naman! Magkaka-ulcer talaga ako nito eh.

"All right."

"Do you want me to bring you anything?"

Falling for the Billionairess (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon