"Pero may tanong lang ako." Umayos siya ng upo.

"Oh?"

"May chance ba na ma-in love ka sa kaniya?"

"Wala," walang pagdadalawang-isip na sagot ko. "Ganoon din naman siya sa akin. We're not each other's type. You know that I don't like city boys. I'm into province boys."

"Sabagay. Kung ma-i-in love ka sa kaniya siguro matagal na. 4 years na kayo 'di ba? Sa tagal niyo hindi ka pa rin nagkakaroon ng feelings sa kaniya. Edi may balak kang makipag annul?"

"Hmm... Maybe. Ayokong makulong sa buhay na ganito. I want to have a family alam mo naman 'yan. Bago pa siya dumating sa buhay ko, gusto ko na nang pamilya." I seriously said.

"Papayag kaya siya?"

"He should. Hindi rin naman siguro niya gugustuhing habang-buhay kaming ganito. I'm sure he wants a family. Sino na lang ang mamamahala sa kumpanya nila 'di ba?" natatawang sagot ko.

Tata took me to her house. She lives alone because her parents died a long time ago. Sila na ng kapatid niya ang namahala sa mga business na iniwan ng parents nila kaya napilitan din siyang pumunta sa ibang bansa para sa business na naiwan doon.

"Hindi ka man lang nakakuha ng boyfriend sa Spain?"

"Ha?" Nagbingi-bingihan siya.

"Meron 'no?"

Hindi siya sumagot. "Wait! Nakakuha ka ng boyfriend pero nag break kayo? Then umuwi ka rito para mag move on kasi hindi ka makaka-move on sa Spain dahil doon kayo nagkakilala. Tama?"

She threw me a pillow. "Writer ka ba?" natatawang tanong niya.

Pumalakpak ako. "Tama ako! Ilang years kayo?"

"Three," sagot niya.

"Oh bakit kayo naghiwalay? Sino nakipaghiwalay?" curious kong tanong.

"Basta! Uuwi rito si Soren. Gusto mo rito ka na lang mag dinner?" alok niya.

"Sure. Hindi na ako makakapasok sa work ngayon. I'll stay here and uuwi na lang after dinner," I said and opened my phone. I called my secretary to tell her to cancel all my meetings and appointments because I can't go to work today.

"May girlfriend na ba si Soren?"

"I don't know. Wala naman siyang ipinakikilala sa akin. Pero sa tingin ko womanizer 'yang kapatid ko, e. Minsan nakikita ko mga story niya sa IG." Nag-umpisa siyang tanggalin ang make up niya at nakatingin lang ako roon.

"Naalala ko na naman na muntik na niya akong ligawan no'ng pinakilala mo ako sa kaniya!" natatawang sambit ko.

"Bakit nga pala hindi natuloy?" She looked at me through the mirror.

"He's not my type," I said and she just laughed.

"Ewan ko ba sa standard mo. Baka sa kasusunod mo sa standard mo tumanda kang dalaga," umiiling na sambit niya.

"Ih! I will not allow that. Mag-aasawa ako at magkakaroon ng anak," sambit ko at humiga sa kama niya. I then looked at the ceiling.

"What if mag pabuntis ka na lang kay Favro?"

Napabangon ako at nandidiri siyang tiningnan. "What if ipainom ko sa'yo 'yang Micellar water?"

Tumawa siya. "Joke lang, e! Teka nga!" Hinarap niya ako. "Baka kaya ayaw mong makatuluyan ang Favro na 'yan kasi thunders na siya? Oh my God, Ali! 60+ na ba siya?"

"Siraulo!" Binato ko siya ng unan at sinalo niya 'yon. "Sa tingin mo papayag akong makisama sa matanda sa iisang bubong? Patayin niyo na lang ako."

Wala kaming ginawa kundi mag-asaran at marami siyang kinuwento tungkol sa mga nangyari sa Spain. She's such a hardworking woman. Hindi niya na nga kailangan ng lalaki sa buhay niya dahil kayang-kaya na niya ang sarili niya.

Sound of Silence (Good Hearts Series #1)Where stories live. Discover now