Chapter 35

4.2K 159 25
                                    

Chapter 35

I was walking down the hallway when I suddenly felt thirsty. I went to a nearby vending machine and bought a bottle of coffee, which I opened right away.

Napailing ako dahil imbes na tubig ay ito ang kinuha ko. Umikot ako, pabalik na sana sa station nang pagharap ko ay nakatayo si Rain. Lumapit siya sa vendo machine at bumili ng tubig.

Kinuha niya ang bottled water sa pick-up port. Aalis na sana siya nang pigilin ko siya. Bumagsak ang tingin niya sa kamay ko sa braso niya.

Dahan-dahan akong kumalas, tumikhim ako. "How are you?"

She did not answer me, instead, she began to walk away. Pinanood ko siya hanggang sa nawala siya sa paningin ko.

Pagbalik ko sa station ay saktong may isinugod na bata sa ER. Naging busy kami agad at kahit papaano ay nabaling ang isip ko sa trabaho.

Out namin nang hindi ako sumabay kina Lira. Nakatingin lang ako sa cell phone ko, binabasa ang mga chat nina Sol at Yan. Sinabi ko kasi na may ikekwento ako kaya kanina pa nila ako kinukulit kung kailan kami magkikita.

The next day, I went to the vending machine and bought red iced tea, my eyes scanning the area.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Rain na papunta rito. Muli akong humarap sa vendo machine dahil naalala ko na nagpapabili rin si Jona ng tubig.

Narinig ko ang pagtikhim niya at humarap ako.

I let her go ahead and buy a bottled water. Just like yesterday, she ignored me, but I did not mind.

Pagdating ng Biyernes ay ganoon pa rin. Dalawa na ang binili kong tubig, para sa kanya ang isa. Hindi ako nagkamali at dumating siya.

Bago pa siya makalapit sa vendo ay iniabot ko sa kanya ang tubig. "Here, I already bought one for you."

Tiningnan lang niya ito at dumeretso na sa vendo. Binawi ko ang kamay at pinanood siya na iba ang binili, cold tea.

Sumandal ako sa pader, pinanood siyang umalis.

On Saturday, I bought a cold chocolate drink and a bottle of water. Nang makarinig ako ng yabag ay agad akong nag-ayos ng sarili.

Lumapit siya sa vendo. Iniabot ko sa kanya ang tubig, pero hindi man lang niya ito tiningnan. Bagsak ang balikat na hinatid ko siya ng tingin pabalik sa pediatric ward.

"Okay ka lang?" tanong ni Lira nang papunta kami sa parking.

Tumango ako. "Pagod lang."

Inakbayan niya ako at tinapik ang balikat ko. Pasakay na kami ng kotse niya nang pareho kaming napalingon dahil sa pamilyar na boses.

"I'm heading home now," Rain said, holding her phone between her ear and shoulder as she grabbed her keys from her bag. "Are you already home?"

Pinatunog niya ang sasakyan.

"Okay, I'll cook something for you."

Kumunot ang noo ko. Sino ang kausap niya?

"Sobrang daming nagkakagusto kay Rain. Kilalang-kilala siya rito pati sa ibang hospitals," kwento ni Lira, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Rain. "She's got loads of money, but she still wants to work. Napakaswerte ng mapapang-asawa niya."

Raindrops on Flowers (Muse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon