Chapter 34
I had just finished evaluating the vital signs of a patient who had been involved in a motorcycle accident when another patient was brought in urgently. Our shift was so busy and stressful that I was already tired, but due to the constant influx of patients, I did not even have the time to feel hungry.
Saka lang ako nakakuha ng pagkakataon na makaupo sa malapit na bench kung kailan ilang minuto na lang ay patapos na ang shift namin. Ipinikit ko ang mga mata.
I heard someone clear their throat and sat beside me. Nilingon ko ito, si Benj.
Dumeretso ang tingin ko sa unahan ko, hindi ipinahalata ang pagtataka kung anong ginagawa niya pa rito.
"Here, drink this," he said, handing me a cup of coffee.
Tiningnan ko lang ito. "Thanks. Okay lang ako."
Kita ko sa peripheral vision ko ang pagbawi niya sa kamay niya. I even heard him sigh.
"Are you still mad about what I did five years ago?" he asked.
"No," I replied, avoiding eye contact. "I just know what boundaries are."
"Why? Are you in a relationship?"
Hindi ako sumagot. Walang dahilan para alamin niya pa ang mga bagay tungkol sa akin.
"You and Rain ended your relationship years ago."
Nakuha niya ang buong atensyon ko. Walang emosyon ko siyang tiningnan. "Why do you keep asking personal questions, Benj? We're not even friends."
Tumayo na ako at iniwan siya. Bumalik ako sa station namin, saktong dumating na rin ang mga nurse on duty. Pagkatapos kong mag-endorse ay sabay-sabay na kami nila Jona, Lira, at Kari pumunta sa parking.
Tumingin ako sa oras sa phone ko at alas diyes y medya na ng gabi. Naglalakad kami sa parking dahil isasabay kami ni Lira nang napalingon kami.
"Amihan," a familiar voice called out.
Papasok na si Dr. Ravi sa sasakyan niyang pula.
"Hi, doc," halos sabay-sabay naming bati sa kanya.
Lumapit siya sa amin. "Have you had dinner?"
Nagkatinginan kaming apat.
"Hindi pa po," sagot ni Kari, nakangiti na tila kinikilig.
"Do you want to join me for dinner? I am alone and would like to eat outside."
"Okay lang, doc?" tanong ni Jona.
Nawala ang atensyon ko sa kanila dahil sa babaeng naglalakad palapit sa parking. Looking exhausted, she rubbed her neck and approached her black Porsche, which she drove yesterday.
She looked stunning and hot in a sleeveless black top, PU pants, and boots. Her long hair swayed as she walked.
"Grabe, ang ganda niya talaga," bulong ni Lira sa tabi ko. "Nakakabading."
Napatingin si Rain sa direksyon namin pero agad din inalis ang tingin na parang walang nakita. Sumakay siya sa kotse.
"Let's go?" aya ni Dr. Ravi.
Hinawakan ako ni Jona sa braso at hinila sa sasakyan ni Dr. Ravi. Inginuso niya ang passenger side. "Diyan ka na, sa backseat ako."
Binuksan niya ang pinto at itinulak ako papasok.
Maraming tanong si Jona kay Dr. Ravi tungkol sa Avira pero walang pumapasok sa isip ko. Hindi maalis sa isip ko ang itsura ni Rain habang naglalakad sa parking.
