Chapter 33
Sol and Yan were still sleeping on either side of the bed, while I sat in the middle. I massaged my temples with my right hand while holding a bottle of juice in my left hand, which I had taken from the fridge.
Tumayo ako, pabalik-balik na naglakad, iniisip ang nangyari kagabi. Nanaginip lang ba ako o siya talaga ang nakita ko?
Sumandal ako sa vanity dresser nang makaramdam ako ng hilo at pagbaliktad ng sikmura. Ibinaba ko ang baso at tumakbo sa bathroom.
I vomited, but the image of that face lingered in my mind. After rinsing my mouth, I returned to bed.
Yan was already awake and looked at me, confused. "How long have you been awake?"
"Hindi ko alam. Hindi ako masyadong nakatulog."
"Why?"
Hinarap ko siya, iniisip kung sasabihin ko ba. "Nasa party siya kagabi?"
"Who?"
"Siya."
"Who are you talking about?"
"Si Rain?" tanong ni Sol na biglang bumangon. "Invited siya pero walang nakakita kung pumunta siya."
Tumihaya ako at mariin pumikit. Mas lalo yatang sumama ang pakiramdam ko.
Galing hotel ay umuwi kami sa bahay. Dumeretso sina Sol at Yan sa kwarto para bumalik pagtulog at ako ay naghanda para samahan si Mama sa checkup niya sa psychiatrist.
Habang naghihintay kay Mama na kausap na ng doctor ay pabalik-balik sa isip ko ang nangyari sa hallway.
Kung hindi siya, sino iyon?
Pagkatapos kausapin si Mama ay pinapasok ako ng psychiatrist.
"Hello po," bati ko.
"Hi, Amihan," she greeted me with a warm smile. "I'm Cina Ravi, your mom's psychiatrist."
Napatitig ako sa maganda niyang mukha. Inilahad niya ang kamay sa akin at doon ako natauhan.
Natawa siya nang kuhanin ko ito. "Seems like your mind is preoccupied."
"I'm sorry, doc. Hindi po ako papa-consult," sabi ko na mas ikinatawa niya.
Natawa rin ako.
May kinuha siya sa table at iniabot ito sa akin. "That's your mother's journal," she said. "She left a letter inside for you to read. She asked me to give it to you."
Bumagsak ang tingin ko sa notebook. "Thank you."
"Listen to her, Amihan. And if ever she tells you something, don't easily judge her. Let your ears and heart be open to her."
Buong byahe pauwi ay hindi maalis sa isip ko ang sinabi ng psychiatrist. Pagkarating sa bahay ay tinabihan ko sina Sol at Yan, tanghali na pero tulog na tulog pa rin.
Dalawang linggo ang lumipas pero hindi ko pa rin binubuklat ang journal. Nakatingin lang ako rito na nakapatong sa dresser ko. Kada sama ko sa hospital ay sa akin ito ibinibigay ng psychiatrist.
Inayos ko ang buhok bago tumayo. Kanina pa ako hinihintay ni Sol sa baba dahil sasamahan niya akong mag-apply sa mga hospital.
"Are you ready?" she asked me as I got into her car.
Tumango ako.
"Galingan mo," paalala niya. "Kayang-kaya mo 'yan."
Tatlong hospital ang pinag-apply-an ko at sinuwerte ako sa pinakahuli naming pinuntahan, ang Avira University Medical Center.
