Chapter 25Cat Villanueva
Parang napakabilis ng mga pangyayari. Katulad na lamang na kung gaano ako kabilis mabuntis nitong si Dok Rat. Talaga nga naman! Tapos ngayon sasabihin niya na wala choices ang i-reject ko siya?
Bakit? Sino bang may sabi na ire-reject ko siya? Ang sabi ko lang naman ay 'what if' At ano nga naman talagang karapatan kong tanggihan ang grasya? Hindi ako tinuruan ng mga magulang ko na tumanggi sa biyaya!
Ang tanong kasi ngayon ng taumbayan. Opisyal na ba siyang nanliligaw? At isa pa hindi pa nga alam ng magulang ko ang lahat ng ito? Paano na?
"Ah ano, Russel ano kasi..." Napatitig ako sa kanya.
"Hmmm?"
Kinuha ko ang isang baso na may yelo ay inabot sa kanya. "Kalma ka muna... heto oh, tubig."
"I don't need water, I need your answer, Cat."
Nangunot ang noo ko. "Huh? May tinanong ka ba?"
Napatitig siya lalo ay binitawan ang hawak na kubyertos. Napasandal siya sabay nag crossed-arms at tinaasan ako ng kilay. Hindi pa rin natitinag ang kanyang titig sa'kin.
'Yan na naman po siya...
Kinuha ko nalang ang juice ko at sumipsip sa straw no'n.
"Sige ako ang magtatanong. Tell me, sino'ng mas gwapo sa'min ni Dok Vallejos?"
Sa gulat ko sa tanong niya ay napahigit ako ng higop at nagtungo tuloy sa ilong ko yung sinipsip ko mula sa straw. Mas nauna siyang mag-panic kaya mabilis niyang naiabot sa'kin ang table napkin.
"Easy, hindi pang Miss Universe ang tanong ko sa'yo."
Napatingin ako sa kanya at ikinalma ang sarili ko, daig ko pa ang nalunod dahil sa ilong ko dumaan ang iniinom ko.
"Ano ba naman kasing tanong 'yan?" Reklamo ko. Patuloy ako sa pagpunas ng ilong ko.
Sumeryoso uli siya ng titig sa'kin.
"Gano'n ba kahirap pumili kung sino'ng mas gwapo sa aming dalawa ni Dok Vallejos? Ha? Clyza Astelina Tyn Gerona Villanueva?"
Napatakip ako ng bibig. Aba? Binuo ang pangalan ko maging ang middle name ko ay alam?
"Okay fine, Mister Russel Ashton Tryze Velaroza. Mas gwapo ka," sagot ko. Kasi totoo naman. Kaya nga hindi ako lugi sa kanya dahil sa looks palang niya ay para na akong nanalo sa lotto. Dinadasal ko nga na sana ay mas kamukha niya nag kambal namin.
He looks at me more suspiciously, itinaas niya lalo ang mga kilay niya.
Kita mo 'to, kapag ako napikon bubunutin ko ng tweezer lahat ng buhok niya sa kilay.
"Tapos ngayon ayaw mo maniwala, ewan ko sa'yo." Inirapan ko siya.
Natawa siya ng bahagya. "Sino'ng may sabing hindi ako naniniwala. Kinikilig kaya ako."
"Talaga? eh mukhang hindi ka naniniwala."
"Ganoon ako kiligin 'wag kang ano d'yan!" Kinuha niya muli ang kubyertos ng nakangiti.
"Wow ang galing mong kiligin, nanlalaban mga kilay mo." Inis kong sabi at tumuhog kong prutas sa platito ko. "Kumain ka na lang nga muna, gutom lang talaga 'yan."
Tuloy siya sa pang-aasar. "Babies oh, sinusungitan na ako ng Mommy niyo. Isang kick nga d'yan."
"Ano'ng isang kick ka d'yan? Mag-apat buwan palang sila." Tuloy lang ako sa pagkain ng prutas na honeydew yata ito.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceCat Villanueva is the Headnurse of HC Medical City at nabuntis siya ng kinaiinisan at mortal enemy na Doktor. Ito ay si Rat Velaroza, isang OB-GYN. Ayaw sa kanya magpa-prenatal check-up ni Cat. Kaya ang ginawa niya ay pina-blacklist niya ito sa la...