🐈 🐀 24

21.7K 334 31
                                    


Chapter 24

Rat Velaroza

I still chuckle every time I say those words to her. Seriously, she's just so cute with the way she reacts—her facial expressions never lie. That's what I love about her. She's so transparent when it comes to showing her emotions, no pretenses, no hiding. It's like she wears her heart on her sleeve, and it's one of the things that make her so endearing.

Hindi naman siya mahirap magustuhan o mahalin. Siguro naman ay valid itong mga rason ko para sa nararamdaman ko sa kanya. Panahon na siguro upang magmahal ako muli. Hindi ko rin namamalayan na talagang napag-iwanan na ako ng panahon kung hindi ko pa siya nabuntis ay hindi ko mare-realized ang lahat ng ito. Ang mga masasakit kong naranasan sa nakaraan ay tuluyan niyang napawi. Sila ng magiging mga anak namin ang siyang aking magiging bagong mundo.

Alam kong hindi pa huli ang lahat. Sadyang hinayaan lamang ng tadhana na dumating ang taong siyang nararapat sa 'tin.

At mukhang siya na nga...

Hindi ko hahayaan na maging sana lang, kundi gagawin ko ang lahat upang maging akin siya.

Nakahinto ang dina-drive kong sasakyan dahil sa traffic. Ano pa nga bang aasahan kapag weekends. Marami ang namamasyal na pamilya sa mga Malls. Napatingin ako sa kanya at tahimik lang siyang nakatuon sa mobile phone niya. Medyo nakakapanibago, gusto ko siyang nagsasalita.

Napasulyap siya sa'kin. Huli na upang bawiin ko ang tingin ko, well gusto ko rin naman malaman niya na talagang tinitingnan ko siya.

"Sabi mo ilipat ko mga files ko sa hard drive mo?" tanong niya. While showing me the hard drive at inililipat niya nga ang mga iyon doon.

"Hmn, good. Mukhang marami-rami 'yan ha," I said with curiosity.

Tuminngin ako sa traffic lights at naka pula pa rin ang traffic lights. Mabuti at may spare phone ako rito sa sasakyan at nag message sa akin ang coordinator ng Seminar na ibabalik na lang ang phone ko sa clinic ko bukas. Wala naman din akong pake kung ibalik nila o hindi. Sabi pa nila ay bibigyan nalang nila ako ng video recorded ng seminar upang panoorin nalang namin. Mas nag-enjoy ako to all the silly things na ginawa namin ni Cat kanina roon. Humingi na rin naman ako ng paumanhin sa kanila pero sabi lang nila ay kinilig lang sila sa amin.

"Himala, hindi ka yata tumanggi sa gusto kong ibigay sa'yo ngayon?" tanong ko sa kanya. Inaasahan ko kasi na magpipilitan pa kami pero ako pa rin naman ang masusunod.

"Dok, condo mo nga hindi ko tinanggihan, iPhone 15 pro max pa kaya? Isang buwang renta ng condo mo ang presyo niyan. At hindi ako tumatanggi sa grasya no."

I chuckled, hindi niya talaga ako binibigo na ma-amused sa personality niya.

"Okay, reasonable. May napili ka na bang color?"

"Wala pa, kapag nandoon na lang siguro tayo," she said in a shy toned.

"Kung iniisip mo na matu-turn off ako kasi baka iniisip mong mukha kang gold digger, mali ka. Just tell me what you want, and I'll give it to you. Wala akong pake kung ano pa ang tingin ng iba—I'll still pursue you."

Napanganga siya. Hinampas niya ako sa braso. Kita ko naman sa kanya na kinikilig siya.

"Kanina ka pa Dok!"

"Nakaka dalawang Dok ka na ha, akala mo ba hindi ko binibilang? Ano bang sabi ko na dapat mong itawag sa akin?"

Napakagat labi siya.

"Your punishment is two kiss by calling me Dok only. Isa pang Dok mo d'yan para tatlong kiss na," wika ko,sabay kinindatan siya.

Lalo siyang namula at pinipigiang ngumiti.

The Doctor Series #3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon