Chapter 32
Limang taon na ang lumipas pero wala pa rin nagbago, sobrang kulit pa rin nila Sol at Yan.
"You're coming back here if you passed, right? The result is out next week," Yan asked.
Sol gave her a side-eye and a mischievous smile. "Why do you seem like you don't want her to return here?"
As I watched them on the screen, I realized they grew more beautiful with each passing year.
Nagbago ako ng number pati ng mga social media accounts noong umalis ako sa amin at sumama kay Kuya Habagat. Nakakausap ko naman ang mga magulang namin pero hindi katulad ng dati. Ang hindi lang talaga nagbago ay ang sa amin tatlo.
Marami nang nangyari, nakapagtrabaho ako habang nag-aaral, naka-graduate, at ngayon ay naghihintay na lang ng result ng Nursing Licensure Exam. Ito nga at mas excited pa ang dalawa sa result kaysa sa akin.
Pinanonood ko sila na nagkukulitan sa screen nang bumalik sa alaala ko ang nangyari bago ako makapunta rito sa Palawan.
Patakbo akong lumabas ng gate nila Rain. Kahit madilim ay naglakad akong mag-isa sa kahabaan ng daan palabas ng village.
Pagkagising niya ay malalaman na niya na ang nanay ko ang babaeng minahal ng mommy niya.
Nakarating ako sa bahay at dumeretso ako sa kwarto. Papaliwanag na rin dahil alas singko y medya na.
Sasaglit pa akong nakaupo sa kama nang may kumatok.
"Anak..." si Mama.
Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa kawalan.
Ilang minuto pa ang lumipas nang may kumatok na naman. "Amihan, papasok ako," sabi ni Kuya Habagat.
Bumukas ang pinto at naupo siya sa paanan ko.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?"
Matagal bago ako sumagot.
"Wala akong choice. Kahit gusto kong magpatuloy sa Avira, may masasaktan akong tao."
Nai-text ko siya kanina habang nasa taxi ako pauwi na gusto kong sumama sa kanya sa Palawan. Siguro ay nasabi na rin niya sa mga magulang namin kaya ako kinatok ni Mama kanina.
Paalis na siya bukas. Nag-check na rin ako kung may available flights para sa akin dahil may ticket na siya.
Doon na ako mag-aaral kahit tumigil pa ako ng isang semester. Hindi na pupwedeng mag-transfer nang ganitong buwan kaya magtatrabaho na lang muna ako.
"Kaya mo ba siyang iwan?" tanong niya.
Pinagdikit ko ang mga labi at awtomatikong nag-init ang mga mata ko. Alam na rin pala niya ang tungkol sa amin ni Rain. Kahit pala hindi ako magsabi ay ramdam niya.
Akala ko ay ubos na ang luha ko pero hindi pa rin pala.
"Ayoko siyang iwan pero masasaktan ko lang siya sa tuwing makikita niya ako." Mabilis kong pinunasan ang luha ko. "Mahal na mahal ko siya pero hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Para akong mababaliw pag-iisip kung anong dapat kong gawin. Gusto kong mag-stay rito pero paano? Paano kung habang nakikita niya ako ay mas lalo niyang maalala ang masakit na sinapit ng mommy niya?
Pagkatapos namin magkulitan tatlo ay pinatay ko na ang laptop. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.
Lumarawan sa isip ko ang maganda niyang mukha na mabilis ko ring iwinaksi.
