Chapter 31

2.9K 131 10
                                    

Chapter 31

Nakaupo ako sa lapag, nakasandal sa kama ni Mama. Hindi ko siya maiwan sa kabila ng halu-halong nararamdaman ko.

Umupo siya sa kama.

"Si Rain, siya ang anak na plinano n'yo," hirap na hirap kong sabi. "Itinuloy ni Naenia ang plano n'yo kahit hiwalay na kayo."

Nilingon ko siya, nakatingin lang siya sa kawalan habang patuloy sa pag-agos ang luha.

"Aware ka po ba na wala na siya?"

Para akong sinaksak sa dibdib nang bigla siyang humagulgol.

"Nag-commit siya ng suicide isang oras bago ipanganak si Rain." Isipin ko pa lang ang pinagdaanan ni Rain ay para na akong pinapatay. "Hindi man lang nabigyan ng pagkakataon si Rain na makita ang mommy niya. Hindi man lang niya nahawakan."

Niyakap ko ang mga tuhod ko, isinubsob ang ulo rito.

"Alam mo ba 'yon, 'Ma?"

"Alam ko ang nangyari pero hindi ko alam na nagkaanak siya," sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.

"Ipinanganak si Rain ng June 6, 2001. July 6, 2001 ako." Muli ko siyang tiningnan. "May kinalaman ba 'ko o si Kuya Habagat sa pagkawala niya?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kung mahal mo siya, bakit ka nagka-boyfriend agad?"

Napakaraming gumugulo sa isip ko na gusto kong itanong sa kanya.

"Alam mo ba na connected si Rain sa ex mo kaya gusto mo siya at hindi ka man lang tumutol sa relasyon namin?"

Mabilis siyang umiling.

Hindi ko siya pinilit na sagutin lahat ng tanong ko. Nanginginig ang mga tuhod kong tumayo at lumabas ako ng kwarto. Kumatok ako sa kwarto kung nasaan si Papa.

Binuksan ni Papa ang pinto. Nawala ang antok niya pagkakita sa akin.

"Pakibantayan po si Mama. May pupuntahan po ako." Lumipat ako sa kwarto ni Kuya Habagat at basta na lang ako pumasok.

"Saan ka pupunta? Delikadong umalis nang ganitong oras!" dinig kong sigaw ni Papa mula sa labas.

"Kuya," tawag ko, nanginginig ang boses. "Kuya, tulungan mo ako."

Napabalikwas siya ng bangon, takang-taka pagkakita sa akin.

"Pwede mo ba akong ihatid sa bahay ni Rain?" Hinawakan ko siya sa braso at muling tumulo ang luha ko.

Walang tanung-tanong na nagbihis siya ng T-shirt. Sinigurado niyang nakaayos ako ng upo sa motorsiklo bago niya ito mabilis na pinaandar. Itinuro ko sa kanya ang direksyon.

Walang tigil sa pagbagsak ang ulan ganoon din ang luha ko. Naramdaman ko ang paghaplos ni Kuya sa braso kong nakayakap sa beywang niya na mas lalong nagpaiyak sa akin.

Itinigil niya ang motorsiklo sa harap ng bahay nila Rain. Basang-basa kami pero balewala lang ito sa kanya.

"Thank you, Kuya. Ingat ka pauwi."

Nag-door bell ako. Saglit lang nang lumabas ang naka-bathrobe na Rain.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya nang makita ang itsura ko. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ako papasok ng bahay.

Nakatingin lang ako sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa akin. Muling tumulo ang luha ko pero mabilis ko itong pinunasan.

"What are you thinking? You'll get sick, Amihan!" she scolded.

Kumuha siya ng damit at hinila ako papasok ng bathroom. Hinubaran niya ako at binuksan niya ang shower.

Napatingin ako sa kanya habang pinapaliguan ako. Even though she was soaked in the shower, she did not seem to care. Her worried expression weighed heavy on my chest.

Raindrops on Flowers (Muse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon