Chapter 29

3.5K 139 6
                                    

Chapter 29

We ate quietly, stealing glances. She took care of me the whole time, making me feel like a princess being served by another princess.

Pagkatapos namin kumain ay hindi agad kami naligo, nagkuwentuhan muna kami tungkol sa mga maliliit na bagay. I shared my favorite foods, drinks, likes, and dislikes with her. And she did the same. We got to know each other better.

Makalipas ang sa tingin ko ay isang oras nang yayain niya ako sa jacuzzi. Mainit kaninang tanghali pero ngayon ay malamig na parang uulan.

Inalalayan niya ako at nang magkaharap na kami ay tumitig siya sa mga mata ko. "I've really missed you."

I gazed deeply into her eyes. "I've missed you too, a lot."

Lumarawan ang magandang ngiti sa mga labi niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong beywang, niyakap ako.

"Last week was so tiring, I wished to be with you like this," she whispered.

Ipinulupot ko ang mga kamay sa batok niya. Idinikit niya ang noo sa noo ko.

"Ako rin," ganting bulong ko. "Si Mama nga nagtatanong kung bakit 'di tayo nagkikita."

"Blame the schoolwork," she said as she rolled her eyes.

Natawa ako dahil ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito.

"Why didn't you invite me to spend the night if you've missed me so much?" I asked.

"I don't want your studies to be affected just because we're in a relationship."

I could not help but admire her even more.

Napapikit ako, dinama ang sarap sa pakiramdam na magkayakap kami. "Can we just stay like this forever?"

"I want it, too."

We did nothing and just hugged each other, feeling that we were each other's rest.

Alas dose na nang umahon kami at bumalik sa room niya. Magkayakap lang kami sa kama, dinadama ang paghinga ng bawat isa.

Antok na antok ako pero hindi ko magawang matulog lalo na at Wednesday ngayon. Naalala ko ang sinabi ni Ate Jana sa akin tungkol kay Rain tuwing alas dos ng daling-araw.

Pinaglaruan ko ang kamay niya na nakapatong sa tiyan ko. Tumingin siya sa akin, tumitig sa mga mata ko.

"Are you happy with me?" she suddenly asked.

Umayos ako ng higa at kinunotan siya ng noo.

"I'm just curious."

"Oo naman. I've never been this happy before."

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "A lot of guys and girls want to take you away from me."

"Who?"

"You know who they are." Sumeryoso ang mukha niya.

"Wala akong pakialam sa iba. I care only about you and your feelings."

Niyakap niya ako. Napapikit ako nang halikan niya ang ulo ko.

"If you could go back in time, would you want to meet me again?"

"Oo." Tiningala ko siya. "At kung bibigyan ako ng pagkakataon na mamili kung kailan kita gustong makilala, gusto ko na magkakilala na tayo habang lumalaki."

"Why?"

"Gusto kong makita kang lumalaki. Gusto kong damayan ka sa tuwing malungkot ka. Para rin wala ka nang ibang magustuhan kundi ako."

Raindrops on Flowers (Muse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon