XXXVIII - Apology

82 5 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay, wala pa si Uncle Devon. Dumiretso ako sa banyo para maligo at makapagpalit na rin ng damit. Pagkatapos, pumunta na ako sa kwarto para makapagpahinga. Buti na lang at wala pa siya. Sana hindi niya alam yung nangyari sa akin kanina, dahil kung nangyari, katakot takot na sermon na naman ang aabutin ko.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Sir Ysmael. Alam ko, kahit na mahina lang ang pagkakasabi niya, malinaw kong narinig ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Nakuha mo ang pakpak ng iyong ama."

Malinaw kong narinig iyon, pero parang hindi man lang niya pinansin ang mga tanong ko sakanya. Ayaw ko ng ganito. Lahat sila, si Sir Ysmael, Dawn at Mona piling ko talaga meron silang tinatago.

Ayaw ko ng isipin ito pero paulit-ulit lang silang bumabalik sa aking isipan. Hinihiling ko na lang na huwag na sanang dumagdag pa ang Fallen at halimaw na pareho kong nakikita sa aking panaginip. Meron kaya silang kinalaman dito?

Tinignan ko ang oras, alas siyete na ng gabi pero wala pa rin si Uncle Devon. Bumaba ako sa kusina pa kumuha ng isang basong tubig at tumingin na rin ng makakain. Merong pa ring mga sariwang prutas na nakalagay sa mesa. Kinuha ko ang gamot na ibinigay ni Ma'am Ana at ininom ito. Ganun pa rin ang lasa, ang pangit. Agad kong isinunod ang saging para mawala ang pait ng lasa. Pero iba talaga ang gamot na to. Antagal bago mawala ang lasa.

Pagkatapos non, pumunta na ako sa kwarto at humiga, hindi ko namalayan na unti-unti na akong hinihila para makatulog.

Sana.

Sana huwag muna akong managinip.

~~~~~~~~~~~~~
Pagkalipas ng dalawang araw.

Lunes. Pasukan na naman. Opisyal na pangalawang linggo na namin dito sa Academy. Yung unang linggo ay parang buwan para sa akin. Napakaraming nangyari.

Pagkarating ko sa main gate ng campus, marami na ang mga estudyanteng naroon.

Nung nagsimula na akong naglakad napansin ko na nakatingin sa akin lahat ng mga B Class. Oo nga pala, alam nila, nakita nila.

Ilan-ilan lang naman ang mga kaklase kong naroon. Nakakailang lang ang pakiramdam na mula paglakad mo sa kanila papalapit, hanggang sa papalayo ay nakatingin lang sila sa'yo. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam, tinignan at pinapanood, pero wala akong magagagawa.

Hindi ko na lang sila pinansin at patuloy akong naglakad papunta sa hagdan. Nakakailang baitang palang ang hakbang ko nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.

"Mr. Summers." Sabi niya, isa lang ang tumatawag sa akin ng ganun at nung lumingon ako, nakita ko si Sir Ysmael.

"Mr. Summers, magandang umaga. Buti na lang at naabutan pa kita." Ngiti niyang sinabi.

"Magandang umaga rin po." Sagot ko.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Mabuti na po. Buti na lang at madali pong naagapan ni Dawn at ni Ma'am Ana."

"Mabuti naman." Isang ngiti na naman ang ibinigay niya. Hindi ko alam kung hindi ba siya napapagod na ngumiti. Minsan nakakatakot na siya. Para bang palaging siyang masaya kahit na may pangyayari naman na dapat hindi ikasaya. Kabaligtaran talaga siya ni Uncle Devon. Kung si Uncle Devon ay hindi mapigilang sumigaw o magalit sa loob ng isang oras, si Sir Ysmael naman ay hindi mapigilang ngumiti. Ang mga ngiti niyang may itinatago. "Pagpaumanhin mo ako, gusto ko sanang bumisita noong nasa clinic ka kaso nga lang hindi ko nagawa. Pagpasensyahan mo na rin na napalakas ko ata ang ibinigay kong hangin sayo." Sa pagkakataong ito, sumeryoso ang kanyang mukha.

CamelliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon