"So tanggap mo ng nililigawan kita?"

"No."

May sasabihin pa sana ako pero hindi ko nagawang ituloy iyon nang sumulpot ang empleyado dala ang mga binili ko. Well, technically, binili ni Magnus para sa akin. Sosyal! Parang ayoko ng kainin at inumin ang mga 'to. I-preserve ko na lang kaya?

Imbis na lumayo nang makuha ko ang mga iyon ay umusog lang ako para makabili si Magnus at pagkatapos ay nanatili ako sa kinatatayuan ko. Muntik pa kaming magkabanggaan nang humarap siya sa direksyon ko at nakita niya akong nakatayo sa likuran niya.

"What are you still doing here?"

I gave him a sweet smile. "Hinihintay ka. Alam mo namang sanay akong mag-intay pagdating sa'yo."

He let out a sigh, but he didn't say anything else.

"Want to go out to dinner with me? Kapalit ng mga binili mo para sa akin."

"I'm busy, so no. And I didn't ask you to pay me back, did I?"

"So libre mo 'to sa akin?" I put a hand on top of my heart. "We're progressing so fast. Pagkain pa lang ang binibigay mo sa akin ngayon pero baka sa susunod niyan pangalan mo na."

He blinked slowly, as if he couldn't comprehend how I came to that conclusion. "I'll reimburse your brothers later. With interest. So don't feel so indebted dahil doble ang hihingin ko na kapalit."

Ang lupit talaga nitong future hubby ko. Kaya bagay na bagay kami eh. Bagay siya sa kasupladahan ko.

"Ano nga palang ginagawa mo rito, HB?" Nalusaw ang ngiti ko ng may maisip. "May masakit ba sa'yo? May sakit ka? Anong sabi ng mga doktor? Kailangan mo ba ng kidney kasi kumpleto pa ang akin kaya kung kailangan mo—"

"I don't need your kidney, but thanks." Minasahe niya ang sentido niya na para bang minamigraine siya sa pagkausap sa akin. "And HB? You mean highblood? Parang magkakaroon nga ako ngayon na mismo."

Ngumuso ako. "HB. Hubby bear." I fluttered my eyelashes at him. "Since you're my future husband."

He looked like he wanted to bite my head off, but instead he just pressed his lips together. Nang tawagin ang atensyon niya ng empleyado ay kinuha niya ang kape niya at naglakad ng paalis na hindi ako nililingon.

Ngingiti-ngiting sumunod ako sa kaniya hanggang sa magkasabay na kaming naglalakad. I heard him sigh which only made me smile more. Aminin, nasasanay na rin siya sa kakulitan ko.

"You didn't answer my question," I told him.

"Will you leave me alone if I tell you?"

"Hmm. Depende. Kung may sakit ka siyempre kailangan mo ng magbabantay sa'yo." Itinaas ko ang kamay ko. "I volunteer as tribute."

He shook his head and took a sip of his coffee. "I'm not sick. I'm just visiting someone."

"Kamag-anak mo?"

"Kaibigan."

"Oh. How is he?"

Nagbaba siya ng tingin sa akin. "She's fine."

Any feeling of lightness the moment I saw him fled from me. I wasn't kidding when I told him before that I'm not normally a jealous kind of person, but I don't know if I can say the same thing if another woman comes into his life.

"Gusto mo akong samahan?" tanong ko sa kaniya.

"I told you, I'm visiting—"

"You said she's fine. You already visited her. Hindi mo na siya kailangang balikan."

Dagger Series #8: UncoveredWhere stories live. Discover now