Chapter 26
Itinigil niya ang motor sa tapat ng gate namin. Although we spent the entire day together, I could not shake off my sadness. I felt like I did not want to separate ways with her.
As I got off her motorcycle, she carefully removed my helmet from my head. It was a ritual we had established, and it never failed to make my heart beat faster.
She gazed softly into my eyes and gave my shoulder a gentle squeeze. "What's wrong?"
"Weekend naman, baka pwedeng sa inyo muna ako?" nahihiya kong sabi. "Magsasabi ulit ako kay Mama."
Hinaplos niya ang buhok ko, at pansin ko ang bahagya niyang paglunok. "I want you to be with me all the time, but I don't want your parents to worry about you not being at home frequently."
Ngumuso ako, parang maiiyak na. "What if ikaw naman ang matulog dito sa amin ngayon?"
Hindi siya sumagot, nakatingin lang sa akin.
"Please?"
Bumuntonghininga siya at tumango. Napayakap ako sa kanya at matunog siyang hinalikan sa pisngi.
Excited kong binuksan ang gate at ipinasok niya ang big bike. Pagpasok namin sa bahay ay walang tao ni isa kaya dumeretso kami sa kwarto. Pinaghanda ko siya ng damit habang siya ay dumeretso sa bintana.
The sky was painted in a gradient of warm colors as the sun set. She stood gazing at it, and I joined her, admiring the beauty.
"Gusto mo bang makita ang ex ng mommy mo?" tanong ko.
"I'm not sure if I wanted to see her."
Gusto ko pa sana magtanong pero pinigilan ko na ang sarili. Kung ako ang nasa katatayuan niya, baka hanapin ko ang babae. Kasi kung ako ang tatanungin, parang magulang ko na rin ito dahil unang-una, silang dalawa ng nanay ko ang nagplano na magkaanak sila. It was solely due to my grandparents that the two got separated.
"If I bump into that lady, things are gonna get really tough for me."
Nilingon ko siya.
"I heard that she found a boyfriend soon after they broke up."
Halata ang lungkot sa mga mata niya.
"Just the thought of it made me realize how tough life has been for my mom. They promised to love each other until the end, yet that woman easily found someone else."
"Kahit ba sa picture hindi mo nakita 'yong babae?"
"My grandma burned all of their pictures."
Matagal kaming napagitnaan ng katahimikan. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. Kahit sa ganitong paraan man lamang ay maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.
As she was in the shower, my mind wandered to the love story of her mother and her lover and the pain they endured. Although I only knew fragments of their story, I could not help but wonder what might have been if they had stayed together.
Nagmulat ako dahil sa katok sa pinto. Bumangon ako sa kama at binuksan ito.
"'Ma," bati ko.
Gumala ang tingin niya sa kwarto ko. "May bisita ka?"
"Opo," sagot ko. "Si Rain."
"Sabi ko na nga ba. Nakita ko kasi ang motor sa baba." Ngumiti siya. "Iniisip ko kung sino'ng may-ari kasi nakita ko na 'yon dati. Kay Rain nga pala."
"Dito po siya matutulog," paalam ko.
"Walang problema. Ipagluluto ko kayo ng hapunan."
"Salamat po."
