Few minutes and they are at Anne's pad. Pagkapasok na pagkapasok ay hinila agad ni Anne si Karylle papasok sa kwarto niya. Agad niyang pinaupo ito sa harap ng vanity table at agad sinimulan ang pag aayos dito. Tanong naman ng tanong si Karylle dahil sobrang clueless siya sa mga nangyayari. Kinutuban na rin siya at napagtagpi tagpi ang mga nangyari simula kaninang umaga. Anne's uneasiness, her sisters surprise visit and Anne's obvious strategy in killing time.

"Anne, what's going on? Do I need to know something?" 

"Wag ka na magtanong okay. Basta believe me after this day magiging masaya ka na."

Still with full hesitation, Karylle let Anne do whatever she is doing. Light make-up lang naman ang nilagay ni Anne. She does minor retouch on K's hair and let her curly hair flow freely in her shoulders. Pagkatapos ay sinabihan niya si K na isuot ang pulang dress na nasa loob ng paper bag na inabot niya. Habang nagbibihis naman si K ay nagbihis na rin si Anne para makaalis na din agad sila. They should be on time for the big surprise.



---


Nasa elevator na ang dalawang dalaga. Pabalik na kasi ang dalawa sa unit nila Karylle. Habang si Anne ay ngiting ngiti na dahil nagtagumpay naman siya sa tasks na ibigay sa kanya habang ito namang si Karylle ay hindi mapakali. Kabang kaba na siya dahil wala siyang kaalam alam sa nangyayari, she is unconsciously tapping her shoes on the floor.

"Anne, ano ba kasing meron? "

"Ano ka ba naman simple dinner lang naman 'to with friends and family."

"Dinner ? Para saan? Sinong---"

"Wag ka na ngang matanong surprise nga 'to diba?"

"Surprise?"



"SURPRISE!!!!!" Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay sabay sabay na nagsigawan ang mga tao sa loob ng unit nila Karylle. Nagulat naman si Karylle. Wala naman kasi siyang matandaang okasyon para magkaroon ng ganitong salu-salo. Nakikita niya from where she is standing ang mga kaibigan mula sa dating trabaho, ang mga naging kaibigang nanay sa ballet school na pinapasukan ng anak ngayon pati na rin ang mga anak nito, at ilan sa mga kakilala sa katabing unit nila. Her mom is also there pati ang mga kapatid. Hinila na siya ni Anne papasok at kanya kanyang beso naman ang mga kaibigan sa kanya. But her eyes never stop searching for someone. Nasaan si Avi? And who's the person behind this? She has a person in mind but he immediately shook it off dahil alam naman niyang imposible.





Nang lubusan na siyang makapasok sa loob ng kanilang bahay ay agad naman niyang nakita ang anak na tumatakbo sa kanyang direksyon. Agad naman niya itong binuhat at napatingin sa direksyon na pinanggalingan ng anak. And there he is standing, with him is a bouquet of sunflowers elegantly arranged.

"Hi!" He shyly said habang naglalakad palapit kay Karylle. 

"What is this about?" Agad na tanong ng dalaga bagamat nabigla. Bumaba naman si Avi sa pagkakakarga ng ina.

"You didn't like it?"



The Switch (ViceRylle)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ