Chapter 23
Hinawakan ni Hermes ang braso ni Rain at hinigit siya papunta sa direksyon namin. Walang kahit anong emosyon sa mukha ni Rain.
"I heard he's the president's son," Yan whispered.
"He is," Sol answered. "And Rain's best friend."
Nilingon ko ang dalawa. Hindi pa nga pala nila nakilala ng personal si Hermes.
"Hi," bati ni Hermes na may magandang ngiti nang tumigil sila sa harapan namin. Tiningnan niya sina Sol at Yan.
As Rain stood next to him, I struggled to find the right reaction. I could feel her gaze on me, creating a swirl of butterflies in my stomach.
"Hi," bati ko pabalik. "Best friends ko sina Sol at Yan," pakilala ko sa dalawa kay Hermes.
Nakipagkamay sina Sol at Yan kay Hermes. Pasimple kong tiningnan si Rain at pansin ko sa mga labi niya ang pagpipigil niyang ngumiti.
"Have you girls had breakfast?" Hermes asked.
"Miss Sol, coffee n'yo po," saktong tawag ng tindera ng stall na binilhan namin ng kape.
"Coffee lang," sagot ni Sol. "May klase na rin kasi."
"Aayain ko na sana kayong sumabay sa amin ni Rain," sabi ni Hermes.
"We're just grabbing food for you, Hermes. I already said I ate breakfast," Rain said, a hint of irritation in her voice.
Pinagdikit ko ang mga labi, naalala ang breakfast namin sa hotel. Umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko lalo na at pansin ko ang paglingon sa akin ni Sol.
The bell rang, signaling the start of the morning classes. Nagkatinginan kaming lima at tipid kong nginitian si Hermes.
"Nice meeting you," Yan said to Hermes.
"Same here," he replied.
Naglakad na kami at napatingin ako sa tabi ko nang sabayan kami ni Rain. Humabol si Hermes, napalingon ako sa kanila.
Pasimple akong siniko ni Sol, nang-aasar na naman.
"Hindi na ba tayo bibili?" tanong ni Hermes.
"Obviously," Rain replied.
Ang bilis namin maglakad dahil baka pagsarhan kami ng pinto ng professor namin. Sa direksyon ng parking ay mahinang itinulak ni Rain si Hermes. Napakamot na lang sa batok si Hermes.
"Bye," I mouthed to him, trying not to burst out laughing.
"He's so annoying," Rain suddenly blurted out, grabbing our attention.
I could see the surprise on my best friend's face as it was the first time she had initiated a conversation.
"Sabay na tayo, Sol," sabi pa niya bago kami maghiwa-hiwalay.
"Sure," halos mautal na sagot ni Sol saka kami nilingon ni Yan. "See you later."
As they walked past Yan and me, her hand brushed against mine, sending a jolt of electricity through me.
Tiningnan ko si Yan at mabuti na lang ay hindi niya napansin ang ginawa ni Rain.
"Rain's voice is so sexy," Yan commented as we sat in our chairs.
