Chapter 21

3.8K 172 34
                                    

Chapter 21

"Are you asking me to be your girlfriend?" I asked, staring at her face.

"Yes."

I took a deep breath, feeling an overwhelming rush of emotions. "Your wish is my command."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at inangkin ang mga labi ko. Mabagal at maingat ang galaw niya na para bang takot siya na masaktan ako.

Ipinulupot ko ang mga kamay sa batok niya at ninamnam ang sarap ng halik niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Tumigil siya at niyakap ako. Saka lang din ako naging aware sa palakpak ng mga musician at staff ng hotel.

I felt her smile against my forehead.

"Thank you," she whispered, her eyes sparkling in the glow of the rooftop lights.

Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at hinila ako pabalik sa table. Pinag-usod niya ako ng upuan, saktong dumating na ang pagkain.

Tahimik kong ginalaw ang steak sa plato ko, nanginginig ang mga kamay ko. She cut her steak and then swapped our plates.

Napalunok ako. Nakatingin lang ako sa pagkain sa harapan ko nang ilapit niya sa bibig ko ang tinidor na may nakatusok na karne.

"Ah," she said.

Tinanggap ko ito. Hindi ko mapigil ang pag-iinit ng palibot ng mga mata ko.

Pinilit kong kumain hanggang sa napansin niya ang kilos ko. Tumayo siya at inusog ang upuan niya sa tabi ko.

"Don't you like the food? Want me to ask for something else—"

"Bakit ngayon ka lang dumating?" putol ko sa kanya.

Humarap siya sa akin, nangungusap ang mga mata niya. "What do you mean?"

"Ngayon ko lang narasanan 'yong ganito. Paglaanan ng effort, bigyan ng oras, at alagaan."

Her lips curved into a gentle smile. "Amihan, you deserve all the good things in this world."

Nag-aalinlangan ako pero inabot ko pa rin ang kamay niya. "Thank you."

"I like kisses more than thank yous."

Mabilis kong binawi ang kamay ko. Tumingin ako sa paligid at pasalamat ko dahil walang nakarinig ng sinabi niya dahil sa music.

Nakatingin lang siya sa akin at mas lalo akong nailang.

"Rain..."

"Why are you embarrassed? You are mine now, and we can do things that couples do anytime."

Humarap ako sa pagkain ko at mas lalo akong namangha dahil sa pagtawa niya.

Oh God, she had the sexiest laugh.

Pinunasan niya ang bibig ko pagkatapos namin kumain. Kinuha niya ang kamay ko, iginiya ako sa railings. Pumwesto siya sa likuran ko at may lumapit sa kanyang staff.

Paharap ako sa kanya pero pinigilan niya ako. "Don't peek."

Ramdam ko ang paglapat nang malamig na bagay sa balat ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nang matapos siya pagsusuot nito sa akin.

"Rain, this is too much."

Humarap ako sa kanya, hindi niya pinansin ang sinabi ko. With a gentle touch, she tucked a few loose strands of my hair behind my ear, revealing the delicate pendant hanging from my neck.

She smiled at me. "Do you know what sunflower symbolizes in love?"

Umiling ako, hindi na naman napigil ang pagbagsak ng luha.

Raindrops on Flowers (Muse Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon