"She was invited, at wala syang kasalanan sa mga nangyari" pagtatanggol sa akin ni Xan.

Tumawa ng mapakla si Papa at sinukat nya ang mga tingin ng kaharap at yumuko naman ito nang mapagtanto  kung sino ang kaharap nya.

"Sorry" sabi nya sa mahinang boses "Sorry kung hindi ko sya nabantayan ng araw na iyon" hinging paumahin nya kay Papa habang nakayuko.

Kitang-kita ko kung gaano ka makapangyarihan si Papa na kahit si Xan na superior ay parang daga na na-corner ng pusa.

No, hindi ito maaari. Walang kasalanan si Xan at lahat ay kagagawan ko. Nagpadala ako sa bugso ng damdamin ko  sa araw na iyon kaya napilitan akong pumayag sa paanyaya ni Lance sa birthday nya.

Ayaw ko na madamay si Xan sa pagiging iresponsable ko sa mga actions ko. Ako lang ang dapat na sisihin at wala ng iba pa at mas lalong hindi si Xan.

Sa mga araw at buwan na nakasama ko sya sa iisang bubong ay hindi nya ako pinabayaan. Madalas ay nagagalit sya sa akin pero never nya ako inilagay sa alanganin.

Caring sya sa akin in a rough way.

"Papa, walang kasalanan si Xan. Ako, ako ang may kasalanan 'wag nyo po syang sisantehin sa trabaho nya, Papa"

Awat ko sa paghingi ng sorry nya dahil sya ang sinisisi ni Papa sa pagkakamali ko.

"Tumayo ka na Kammee" hinila ako nya ako patayo pero hindi ako nagpahila at nanatili ako na nakapulupot sa mga binti ni Papa.

"Kita mo na ang resulta ng ginawa mo anak, may mga nadadamay sa pinagagawa mo" si Papa na hindi inaalis ang pakakatitig kay Xan.

"Ako nalang po kase ang pagalitan nyo at huwag na sya" naiiyak na sabi ko.

"At talagang pinagtatanggol nyo na ngayon ang isa't-isa? Parang kailan lang na parang mga aso at pusa kayo na nagbabangayan sa harap ko! Ano? May  unity na kayong dalawa at pinagkakaisahan nyo na ako?!"

Mabilis ako na umiling-iling sa sinabi ni Papa.

Tumalikod si Xan sa amin at pumunta ng kusina at pagbalik nya ay may dala na syang dalawang bottled water at ibinigay kay Papa ang isa at binukasan ni xan ang isa at ibinigay sa akin pero tinabig ko iyon.

Nakita ni Papa ang ginawa ko kaya naningkit ang mga mata nya sa akin.

"Iwan mo muna kami Xan ni Kammee"

Pero parang wala syang narinig at iniluhod nya ang isa nyang tuhod sa harap ko at pinainom ako ng tubig.

"Inom ka muna ng tubig para gumaan ang pakiramdam mo"

"Ayaw ko" tanggi ko at iniiwas ang mukha ko sa harap nya.

"Isa! Huwag mo talaga akong sagarin" banta nya sa nagagalit na tono kaya napilitan akong ibinuka ang mga bibig ko habang hindi ko binibitawan ang mga binti ni Papa at para akong cute na tarsier na nakasabit doon.

Habang pinapainom ako ni Xan ng tubig ay pinupunasan nya ang mga luha ko at naisip na parang wala naman relasyon si Papa at Xan. Kase katulad lang ngayon na pinapainom nya ko ng tubig at inaalo ay andyan si Papa at nakatunghay lang sa amin habang may kausap sya sa cellphone nya.

"Please, arrange Kammee's needs back in Canada at pati na rin ang school na papasukan nya doon. I want reports everyday"

Nagkatinginan kami ni Xan at nakita ko ang malamlam na mga titig nya sa akin na para bang kahit sya ay tutol na doon ako mag-aaral. Bahagya akong umiling sa kanya na lumuluha.

"Ayuko" mahinang sabi ko na parang nagsusumbong sa kanya.

Hinawakan nya ang pisngi ko at malalim sya na bumuntong-hininga.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя