PROLOGUE

247 9 7
                                        

» This is dedicated to my airedonato bebs. Finally, ito na 'yong story na ginawa ko. Short story lang but I hope you like and enjoy reading it! Imy, mwuah!
» I'll edit this soon, too. I want to make a long short story. And it's all about Maire and that guy. Is 10-15 chaps are enough na kaya? Haha. Hope so.

———————————
Prologue

I used to admire him.

I used to wait until I saw him.

I used to cry over him.

I was motivated to learn more because of him.

I used to love him... until I discovered something, that makes me feel disappointed, and regret everything back then.

"Hoy! Anong ginagawa mo rito? Si Xierlo na naman inaabangan mo 'no? Sus!" Nakataas noong aniya Xiandra.

I was about to reply to her when I saw him. Malakas na kumalabog ang puso ko ng makitang papalapit siya sa kinaroroonan namin. Parang tumigil ang takbo ng oras at natulala ako sa kaniya.

He's wearing our school P.E uniform. White polo shirt with the school logo. Black jogging pants that fit him well. Ang ayos ng buhok niyang dumagdag sa appeal niya. White rubber shoes, and last, ang kaniyang bag na nakasakbit sa kabilang balikat habang ang isa ay nakalaylay lamang. And it makes him more attractive!

Ang gwapo niya talaga! Nakakainis, ang lakas ng dating! Ano bang klaseng gayuma ang nakain ko at talaga namang hulog na hulog ako?! Nang dumaan sa gilid ko ay bahagya siyang ngumiti na halos ikalaglag ng panty ko. Damn! Sabi ko na e, may mararating itong pagiging stalker ko.

"Nakita mo 'yon, Xian?! OMG! Nginitian niya ako! Shit... mas lalo akong nahulog!" kinikilig na inayos ko ang takas ng buhok ko sa aking tainga. Halos yakapin ko na sa kilig ang kaibigan na inirapan lang ako.

"Halata nga," nakangiwing sagot niya na hindi ko naman na binigyan pa ng pansin. Matagal niya nang alam na gustong-gusto ko— scratch that, I think, naf-fall na ako kay Xierlo. Alam na alam niya iyon kaya komportableng komportable akong i-chika sa kaniya ang kaganapan ng inlove era ko.

"Sana pansinin niya na ako sa susunod tapos... yayain niya na rin akong—"

"Ituloy mo lang 'yan, ante, halata namang walang girlfriend 'yon," she teased me. "Gora! Ipakita mo kung sino ka." Dagdag niya pa na mas lalong nag udyok sa akin na magustuhan si Xierlo.

Wala rin naman akong nababalitaang may girlfriend siya, kasi ano... stalker niya ako minsan madalas sa social media kaya updated ako sa buhay pag-ibig niya. Idagdag pa na nagkakausap sila ng kaibigan ko, na sa tuwing tinatanong ko about sa crush ko ay tanging "wala", "single 'yon", "grab the opportunity", ang mga sinasagot. Na mas ikinatutuwa ko. May chance ako! Malay ko ba, baka sa susunod kami na... sana.

Sa sobrang motivated ko ay kahit ang recitation na pinaka ayaw ko ay unti-unti ko nang nagugustuhan. I am active, always. Palagi akong nakikipag participate sa oral communication, lalo na sa mga quizzes. Nakakagulat dahil palaging perfect ko ang mga ito. Damn! 

Ganoon pa rin ang ginagawa ko sa mga sumunod na araw. Palagi akong nakaabang sa kaniya sa hallway. Kahit na minsan ay hindi ko siya nakikita ay nakaabang pa rin ako... naghihintay na ma-notice ng isang Xierlo Santiago. Sa tuwing nakikita ko siya ay tuwang-tuwa ako dahil sa pakiramdam ko ay puno na ang araw ko. Minsan kasama ko si Xian maghintay sa hallway, minsan hindi.

Pagkatapos no'n ay iku-kwento ko naman sa kaibigan ko ang mga pinaggagawa ko. Hindi naman siya nagrereklamo at palagi ring may side comments na dapat ay ipagpatuloy ko lang. Gano'n ang nangyayari sa buhay ko na akin namang nakasanayan na.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon