Nag-aalangan pa ako kung saan ko ilapag?

Kaya naghanap ang mga mata ko ng kunting space sa mesa hanggang sa mapadako ang paningin ko sa driver namin at sa babaeng katabi nito, maganda ang babae at parang kaidaran lang din ni mr driver.

Maganda sya pero ang ganda nya ay hindi nakakaabala para tingnan mo sya ulit.

Sakto lang, ganoon.

At hindi ko rin nagustuhan ang galawan ng babaing ito na halos mapigtas na ang mga labi sa laki ng ngiti sa harap ng driver namin.

Ipinakilala ako ni Papa sa mga taong andoon at nang magsimula ng kumain ang lahat ay nagpresenta ulit ako na tulungan sila ate Dina na magdala ng mga pagkain.

Pinayagan naman ako ni Papa, alam ko naman kaya nya ako ipinatawag doon ay dahil gusto nya lang ako ipakilala sa mga bisita nya at hanggang doon lang iyon.

Bitbit ko ulit ang pitsel na may lamang ice tea na this time. Napatingin ako sa gawi ng babae at ni Xan, at aba, aba....ang babae ay hindi nalang nakikipag-ngitian sa driver namin, kundi may pahampas-hampas na at ang gago ay parang nag-eenjoy rin.

Tuwang-tuwa ang ferson, in all fairness sa kanya.

Nilagyan ko na nang tea ang mga baso nila at umikot ako sa likod ng babae at ng driver namin at patay malisyang tinapunan ko ng tea ang likod nya.

Napabiglang tayo ang babae sabay napasigaw, siguro dahil sa pagkabigla at sa lamig na rin ng tea, imposible na hindi sya malamigan.

Of course, kunyari, hindi ko sinasadya kaya nagdrama ako.

"Sorry, hindi ko sinasadya" kunyaring hingi ko'ng paumanhin sa kanya at may pagyuko pa.

Ngunit hindi sumagot ang babae at panay pagpag lang sa bahagi ng dress nya na natapunan.

Tiningnan ko si Xan na tiim-bagang na nakatingin sa akin ng matalim na para bang alam nya ang totoong nangyari. Pero, eh-eh, wala syang ebidensya.

Tumalim rin ang mga mata ko sa kanya ng hinawakan nya ang kamay ng babae at dinala sa powder room.

Masasabi ko na...successful ako na sabutahiin sya, pero ang kapalit noon ay hindi nagustuhan ng driver namin ang ginawa ko.

And i don't care!

Gagawin ko kung ano ang gusto ko sa ayaw at sa gusto nya!

Humingi ako ng paumanhin sa lahat ng mga tao roon, dahil pansamantala na naantala ang ginagawa nila dahil sa ginawa ko.

"Anak, magpahinga ka na muna" utos ni Papa sa akin.

"Sorry Papa" sabi mo nalang.

Bumuntong hininga si Papa at marahan na tinanguan ako kaya mabilis na ako na umakyat sa hagdan.

Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa kwarto ko ay may tumulak na sa akin paloob at biglang ni-locked ang door ng room ko.

Nagulat ako nang mapagsino? Maitim ang awra nya na hinarap ako at kitang-kita ang pagkontrol nya ng galit sa akin sa mga pumipintig na mga litid nya sa leeg.

"Bakit mo ginawa 'yon?" kalmadong tanong nya pero puno ng galit ang tono.

Hindi ako sumagot, iniwas ko ang paningin ko sa kanya, ayaw ko salubungin ang galit sa mga mata nya.

"Tell me! Why did you do that!?

Napapitlag ako dahil napasigaw na sya, first time kong makita na ganoon ang reaction nya.

Biglang binalutan ng kaba at takot ang buo kong pagkatao pero hindi pa rin ako sumasagot, tumulo na ang luha ko dahil natatakot na ako sa pagtaas ng boses nya at kitang-kita ko ang pagkuyom nya ng kanyang kamao.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now