Hi Guys! Promote: Sa mga hindi pa nakakabasa ng first ever short story ko, basahin niyo na po 6 Month Rule. Tapos na siya! :) BTW. 1 chapter per week ang update nito kasi mahahaba bawat chapter and until chapter 10 palang nagagawa ko!! So, cooperate guys and ENJOY! <3 #100StepsToHisHeart

**

100 Steps to his heart

PROLOGUE

Naramdaman mo na ba yung feeling na mainlove?

Yung tipong kapag nakikita mo siya parang nakikipagracing sa kabayo yung puso mo.

Yung tipong mapalingon lang siya sa daan mo pakiramdam mo sinadya niya yun at ang ganda ganda mo!

Yung tipong kapag itinabi ka sa strawberry mas mapula ka kapag nandiyan siya! At kapag may babaeng lalapit sakanya, sobrang possessive ka! Feeling jowa lang? 

Yung tipong kahit mabansagan kang stalker ayos lang basta malaman mo kung ano na ang daily happenings sa life niya.

At bawat status niya sa Facebook at bawat tweet niya sa twitter eh para sayo may meaning lahat!

At kapag may post na nilike siya, lalo na kung babae pala yung nagpost? Naku! Kasama na siya sa list ng mga profile na istastalk mo!!

Yung tipong kung saan siya kakain, doon ka na rin.

Kung anong mga favorites niya unti unti magiging favorite mo din!

At hanggang sa bawat candy wrapper na itatapon niya kukunin mo pa rin, kinabukasan, ayun na, nasa planner! Nakadikit na din!! 

At aminin mo, at the end of the day, ang dahilan ng ngiti diyan sa mukha mo ay dahil sa taong kinababaliwan mo! 

Sabi sa sciene only one thing can occupy one space at a given time.

Ang hirap naman noon. 

Ibig sabihin, isang babae lang ang pwedeng magoccupy ng puso niya hindi ba?