Chapter 8

1.1K 19 12
                                    

Ud ud din pag may time! Hehehe

Good friday good vibes sinipag mag update.

Thanks sa mga readers

Loveyou guys

------------------

Neil's POV

"Yeah dito na ko sa Mall entrance asan ka na ba?" Kausap ko si Faith ang nag iisa kong pamangkin. Tumawag sakin kanina at naglalambing ilibre ko daw sya ng lunch. Mga bata talaga kahit mga gradeschool pa lang marunong na mag lakwartsa.

"Dito kami ng mga classmates ko sa labas ng KFC tito! Bilisan mo dali gutom na ko!" Sagot ni Faith. Huh? Kala ko sya lang mag isa bat mga classmates daw?

"Mga classmates talaga? You mean madami kayo? Akala ko sabi mo tayong dalawa lang maglunch? Ipapalibre mo silang lahat saken? Napaka generous mo naman ata masyado. May patago ka ba sakin?" Biro ko dito habang naglalakad na ko sa way papunta sa KFC. Ayun at maya maya lang ay nakita ko na sila. Grabe ha anim silang magkklase bday ko ba at kelangan ko magtreat mga bata? Kulit talaga ng pamangkin kong ito. Mukang nakita na ko ni Faith na paparating nakangiti na agad ito at kumaway kaway pa sakin. Gumanti ako ng ngiti at kumaway din.

"Classmates tito Neil ko! Engineer yan! Ang gwapo noh? Mana ko dyan! Magkamuka kami diba?" proud na proud na pgpapakilala sakin ni Faith.

"Hi girls! Just call me tito Neil." Bati ko sakanila at ngumiti ako. Kitang kita ko bulungan at hagikgikan ung mga bata mga mukang kinikilig sa smile ko. Hay mga bata nga naman.

"Ililibre tayo ni Tito girls ng lunch bait nya noh?" Sabi pa ni Faith sabay ngiting nagpapacute sakin. Ay naku batang to talaga kahit kelan naman di ko natitiis kaya spoiled sakin.

"Talaga po?" Sabay sabay na sabi ng mga classmate ni Faith. Makakatanggi pa ba ko? Nahulog na naman ako sa patibong ng magaling kong pamangkin.

"Oo naman! O sya sige na order na kayo dyan" sagot ko. Kinuha ko ang wallet ko at inabutan ko ng pera si Faith.

just another game to play (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon