Simula

2 0 0
                                        

Kalmadong isip. Isang bagay ang pinakahahangad ko sa buhay na ito. Tinuon ko ang batis malapit sa bahay, nanakit ang mga paa ko dahil sa ibang mga batong nakakalat sa batis. Rinig na rinig ang mga tubig papabagsak sa pinakababa na parang isang talon. Bobo! Malamang batis nga diba?

May nakita akong dalawang puting rabbit na naghahabulan sa pinakamalayong banda ng akin pinag upuan, kitang kita rin ang mga matatayog na puno na siyang nagsisilbing gate para matunton ang batis na ito. Kakaunti lamang kase ang nakakaalam ng lugar na'to, halos mga matatagal na sa Nayon ang kadalasang nakakaalam dito.

Rinig na rinig din ang mga huni ng mga ibon na mistulang nagkakantahan dahil sa kapayapaang hatid ng kapaligiran. Kay sarap pagmasdan ng ganitong tanawin.

Nilabas ko ang dalawang librong dala ko bago ako tumungo sa lugar na'to. Malapit lang ang aming bahay sa katunayan, paglabas lamang sa mga matatayog na punong narito ay agad mo nang makikita ang aming bahay.

"Mortal Instruments: City of Bones" basa ko sa unang librong dinala ko. Nitong mga nakaraang araw ay nakakahiligan kong magbasa ng mga nobelang tiyak na ikagagalit ng aking Ama. Di naman siguro niya malalaman 'di ba?

Nilagay ko ang aking dalawang paa sa paanan ng tubig bago basahin ang unang kabanata. Mas lalo ngang nakarelax ang aking katawan sa hatid na lamig nito at kiliti. Napangiti ako at nagsimulang magbasa.

Sa pagbabasa ko sa pang limang kabanata, saka ko lamang namalayan na magdadapit hapon na pala, tiyak na nakaalis na ang mga bisita ng aking Ama.

Kaya naman, dali dali kong tinago ang unang librong dinala ko kanina. Napailing nalang ako nang mapagtantong dalawang libro nga pala ang dinala ko, Wow feeling mo matatapos mo ang isang libro kaya ka nagdala ng extra? Tanga talaga.

Nagsimula na akong tahakin ang daan patungo sa aming bahay, nilingon ko pang muli sa huling pagkakataon ang kapayapaan ng kapaligirang hindi ko nanaman tiyak kung kailan ko muling mararamdaman. Ngumiti ako bago nagsimulang maglakad.

Napatigil ako sa harap ng bahay nang makitang hindi pa nga tuluyang nakakaalis ang mga bisita ng Ama kong tiyak na papatayin ako kapag nakita ako ng mga bisita niya!

Akma sana akong tatalikod ngunit agad akong napansin ng isang babaeng may mahaba at kulot na buhok, puting puti ang balat, at may medyo katangkaran. Ngumiti ito sa akin bago magsalita.

"Hello! Where have you been, iha?" Her gentle voice is very soothing and relaxing, ngumiti ako rito ngunit agad ding nabawi nang mapasulyap ako sa aking Ama na ngayo'y masamang nakatingin sa akin. Yumuko na lamang ako at akmang maglalakad sana patungo sa may-ari ng boses ngunit naunahan na ako ng aking Ama.

"Mari, she's just a maid here. Don't mistook her for someone." Masungit na sabi ni papa. Napangiti nalang ako sa babaeng maamo. Nagmumukha siyang anghel na nakatabi sa isang demonyo.

Hindi na bagong bagay sa'kin ang ganoong pagpapakilala sa akin ni papa sa mga tao ngunit hindi parin maiwasan ng puso kong makaramdam ng sakit.

Simula nang mawala ang mama, para na rin akong nawalan ng ama.

"Jasper, wag ganyan ang trato mo sa bata. Sa'tingin mo matutuwa si Josephine kung ganiyan mo tratuhin ang anak niya?" Saad nito sa aking Ama. So alam niyang anak ako ng aking Ama? Nakakatawang isipin na kailangan pang mga ganito ang pumapasok sa aking isipan.

"Pumasok kana sa loob, Jaja" sambit ng aking Ama kaya agad akong tumalima. Ngumiti muna ako sa magandang babaeng nasa harap ng aking ama bago tuluyang pumasok sa loob.

Dumiretso ako sa aking silid na nakapwesto sa ikalawang palapag ng aming tahanan, sa pinakadulo. Malaki ang silid kumpara sa ibang mga silid na mayroon sa bahay. Kulay krema ang kulay ng pader tamang tama lang sa mata, hindi gaanong masakit, maaliwalas sa mata.

Tumalon akong papahiga sa aking kama, hinayaan kong magpahinga ang ulo sa may gitnang bahagi ng higaan bago nalagdesisyunang tumayo at umupo na lamang sa gilid ng kama at tumunghaw sa maliit na study table na meron doon. Ngumiti ako at naglakad papalapit sa paborito kong larawan. Ang larawan ng aking ina.

Gusto kong muling balikan ang mga panahong kasama ko pa siya, mga panahong hindi ko alam ang salitang problema at hindi ko alam ang pakiramdam ng sakit. Ma, miss kana po ng anak mo. Baka pwede mo akong isama sa'yo.

Pinalis ko ang luhang hindi ko namalayang kanina pa bumabagsak dahil sa alaalang muli nanamang sumasariwa sa akin.

"Miss Jaja, nakahanda na po ang hapunan. Nasa hapag na po ang iyong Ama" rinig ko sa labas ng aking silid. Malamang ay isa sa mga katulong dito sa aming tahanan.

"Sunod ho ako" sagot ko saka tumayo at nag ayos. Hindi ako pwedeng makita ng aking ama na umiiyak. Pumasok ako sa bathroom at naghilamos. Pagkatapos ay bumaba na ako at naabutan ang aking ama na nakaupo na sa kaniyang madalas na pwesto sa hapag. Nang maramdaman niya ako na malapit na sakaniya ay binalingan ako nito gamit ang blankong ekspresyon.

"Kahit kailan ay hindi ka marunong makinig sa'kin" batid ko ang kaniyang tinutukoy. Tungkol ito kanina, ayaw na ayaw niyang may nakakakita sa aking bisita niya kaya madalas niya akong paalisin sa bahay kapag may dumadalaw sakaniya.

"Nalimutan ko po ang cellphone ko, pa. Pasensiya na po. Akala ko po kase nakaalis na ang bisita niyo kanina" sagot ko nang makaupo.

Nilapag na ang mga pagkain sa ibabaw ng lamesa at agad na natakam sa nga nakahanda. Menudo, afritada at adobo! Mga paborito kong ulam.

Kumalam ang sikmura ko ngunit hindi muna ako kumuha ng pagkain dahil baka magalit ang aking Ama kung mapansin niyang para akong gutom. E gutom ka nga, Jaja. Baliw ka ba?!

"Hindi ka nagtanghalian kanina. Kung gusto mong magpakamatay ay 'wag sa pamamahay ko." Aniya kaya napatungo ako. Ang talas talaga ng dila ng aking ama.

"Pasensiya na po, hindi na po mauulit, pa." Sagot ko. Nagsimula na siyang kumuha at pagkatapos niya ay sumunod naman akong kumuha.

Tahimik kaming kumain, walang nagsalita at ramdam na ramdam ang bigat ng aura na nakapalibot sa amin. Agad siyang natapos kaya tumayo rin siya agad at nagtungo na sa kwarto nila ng aking ina.

Nagsandok pa ako ng kanin at naglagay pa ng mga ulam sa pinggan. Gutom na gutom talaga ako. Hindi ko naman gustong magpalipas ng gutom kanina pero kase masiyado kong inisip at naexcite sa pagpunta sa batis na nakalimutan kong kumain ng tanghalian! Never again!

Pagkatapos kumain ay aakyat na sana ako nang may mapansin sa mini table sa may living room. Isang mail. Binasa ko kung kanino naka-address at nang malaman na ito ay para sa aking ama ay hindi ko na pinakialam pa. Ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang pangalan kung kanino ito galing. Alvarez Enterprise.

Kung naagaw nito ang pansin ko, may mas nakaagaw pa ng atensyon ko nang makita ang isa pang mail na naka-address sa akin! Agad ko itong kinuha. Akma sanang bubuksan ko ito nang bigla kong narinig ang yabag ng aking ama na papalapit sa salas.

"Ano yan" agad kong tinago ang mail na naka-address sa akin at umiling sakaniya.

"Wala po, pa. Akyat na po ako sa taas" hindi na ito nag usisa pa at umalis na rin nang marinig ang sagot ko. Tumungo siya sa kusina at ako naman ay umakyat na sa silid.

Binuksan ko ang mail nang maisarado at mai-lock ang pinto.

From: Mariana Alvarez
To: Jasmine Jane Mercado

Greetings, darling!
I've been dying to meet you already! You're dad is so annoying, hiding you from us like something won't happen. But don't worry, dear. I will let you meet my son, you will like him! See you soon, dearest daughter-in-law!

Love,
MARIANA ALVAREZ.

THE FUCK?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chase, ALECWhere stories live. Discover now