“Gusto naman. But I want to try. Just try.”

“Don’t worry. Kapag pinayagan na tayo nila Mommy, let’s watch a movie in Cinema. What do you want to watch?”

Kagat ko ang labi ko habang nakatitig sa film na pinapanood namin ni Andrino. Tahimik lang sa buong sinehan, ang tanging maririnig ay ang ingay na nagmumula sa pinapanood namin. Andrino just sat quietly next to me. Out of the two of us, I’m the only one who doesn’t know how to sit comfortably.

Maingay pa rin naman ang loob ng sinehan kahit na papaano, pero pakiramdam ko ay mas malakas pa ang pagkalabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ba makikinig sa dalawa.

Nananalangin ako na sana’y hindi mapansin ni Andrino ang paglikot ko sa inuupuan ko. Halos kalahating oras na akong ganito. Kulang na lang ay humiga na ako dahil sa pagiging hindi kumportable.

Mabilis na natapos ang pinapanood namin pero ang pagkalabog ng dibdib ko, ang mabilis na pag-tibok ng puso ko ay para yatang walang katapusan.

When I glanced at my cellphone, I realized that it was seven in the evening. Sinulyapan ko ang tahimik na lalaki na kasabay ko maglakad.

Gusto ko po sana kumain kami ng dinner, kahit na libre ko pa. Pero baka tumanggi siya at hindi iyon kakayanin ng pride ko.

Papaanong tatanggihan ako ng dati kong best friend?

“Magta-taxi ka ba?” pag-basag ko sa katahimikan nang palabas na kami ng Mall.

He looked at me. “Oo.”

I almost pout. Ang tipid na, ang lamig pa.

“S-Sabay na lang ako. Uh... Hindi ko na-text si Mommy or si Daddy. Nakalimutan ko.”

“I-text mo na. Magpaalam ka at sabihin mong kasama mo naman ako.” kahit kaunti’y nabahidan ko ng pagaalala ang tono niya.

Tumango ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko. Agad kong hinanap ang pangalan ni Mommy.

Saide Monique Koh:

Mom, I’m with Andrino. Gumala lang po kami. Pauwi na rin po.

“Saide?”

Kunot ang noo nang nilingon ko ang tumawag sa pangalan ko. Nginitian at kinawayan ko si Gino.

“Hi, Gino!”

“Huy, ikaw. Cutting ka, huh?” biro niya.

I laughed. “Hindi, ‘no! Gumala lang ako... kami.”

Tiningnan ko si Andrino sa gilid ko. Seryoso ang mukha pero salubong ang kilay na diretsong nakatingin sa mga dumadaang sasakyan.

“Dude. Nandiyan ka pala?” inilahad ni Gino ang kamay niya pero tinanguan lang siya ng lalaki.

“Ikaw yata nag-cutting, e!” pangaasar ko nang mapansin na naka-uniform pa siya.

Ngayon ko lang nalaman na college student na pala siya at sa SDCA ito nagaaral dahil sa logo ng uniform na suot niya. Hindi ko nga lang alam kung anong kurso.

Tumawa siya sa sinabi ko.

“Naisip ko ‘yan. May bibilhin lang ako sa Bookstore.”
Tumango ako at kumaway. “Ingat ka.”

He nodded to me as he pat the quiet-Andrino’s shoulder before he went inside. Sinulyapan ko ang cellphone ko para tingnan ang reply ni Mom sa akin.

“Kaibigan mo?”

Iniangat ko ang tingin kay Andrino nang bigla siyang magsalita. Umawang ang labi ko, hindi alam ang isasagot.

Hindi ko naman masasabing kaibigan ko si Gino dahil ilang beses pa lang ang interactions namin. Nu’ng nanood ako ng laro nila, nu’ng party nila Mommy at ngayon. Ni hindi ko rin naman friend si Gino sa kahit anong social media.

The Past, We AwaitDonde viven las historias. Descúbrelo ahora