Ang Wattpad Sa Tao

97 8 2
                                    

Sayo'y maraming humu-husga

Wala ka daw maidudulot na maganda

Lalo na saming kabataan

Puro kalandian lang daw ang nalalaman


Wala silang ideya

Mina-maliit nila'y nagbibigay ligaya

Na hindi nabibigay

At nakikita sa ibang materyal na bagay


Maraming salamat sayo

Sa mga payo galing sa iba't-ibang tao

Mga kwento'y may leksyon,

Hatid ay aral at magsisilbing inspirasyon 


Dito'y maraming nakikilala 

Talento't galing kanilang napapakita 

Nakakagawa sila ng mga  istorya

Na sa buhay mo'y pwedeng maka-impluwensiya


Sa eskwelahan ma'y pagod

Sa pagbabasa ito'y inaanod

Di lang sa pag-aaral may natututunan

Dito'y papalawakin rin ang iyong isipan


Di man nila makita ang iyong tunay na ganda,

Atensyon nila'y nakatuon sa negatibo mong dala

Ayaw man ng magulang ko sayo

Pagmamahal at pagtangkilik ko sayo'y di magbabago 




// "In the end, we only regret the chances we didn't take." Kahit di ako manalo, atleast tinry ko. :) //

Ang Wattpad Sa TaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon