Chapter Twenty One

KRYZEL.

"Bes galingan mo ha? Ichi-cheer ka namin! Kami ang iyong official palakpak brigade!" sabi ni Naomi habang nakayakap sa akin.

Napangiti ako and I hug Naomi back, "thanks bes!"

Ngayon na ang araw ng competition. Halos isang buwan lang kami nag train ni Drew for this at medyo kabado kami dahil biglaan lang ito. Pero sana naman makapasok kami kahit sa top five.

Nararamdaman ko na ang pressure at kaba.

"Wait, I need a photo for documentation," sabi ni Stephen na may hawak na camera. Sinenyasan niya si Drew na tumabi sa akin and he complied. Stephen took a photo of us.

Maya maya lang, may isang staff na na lumapit kina Naomi at sinabing kailangan na nilang lumabas sa dressing room.

"Good luck, Kryzel," sabi ni Yannie.

"Kabugin mo sila sister!" sabi naman ni France habang iwinawagayway ang pink pompoms na ginawa niya.

Natawa ako, "thanks guys."

Nag flying kiss pa si France bago tuluyang lumabas ng dressing room.

Humarap ako sa salamin ng dressing room but instead na reflection ko ang nakita ko ay nakita kong nakatayo si Rence sa harapan ko.

"Good luck," he mumbled and gave me an encouraging smile. "Kahit anong mangyari, ikaw ang pinaka maganda ngayong gabi."

Hindi ko siya sinagot at iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya. Ang galing galing niya talaga gumawa ng ikaka-awkward naming dalawa 'no?

"Nervous?" dinig kong tanong ni Drew at napatingin ako sa kanya.

"Medyo," sabi ko while scanning the room. Wala na si Rence. Nakalabas na. Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Drew at nakita kong naka ngisi siya sa akin. "What?

Umiling siya, "wala lang. Bagay kayo ni Rence."

Napairap ako, "ewan ko sa'yo Drew."

"No, seriously. Bagay nga kayo. Why don't you give him a chance?"

"Hay naku, hindi porket masaya ang lovelife mo eh ipipilit mo na 'ko sa iba."

Drew just chuckles.

"Oh, you're here."

Napatingin kami ni Drew sa nagsalita at nakita namin sina Tricia at si Mark na papasok ng room. Mga contestants din sila rito pero hindi namin makuhang makasundo. From Impakta University ata nanggaling ang dalawang 'to.

Tricia looks at me from head to toe na puno ng pang huhusga, "grabe ang lakas ng loob mag suot ng ganyan! Ang panget naman ng katawan!" nag tawanan sila ni Mark.

Naka pang Hawaiian kasi ako para doon sa talent portion.

"Don't mind her" bulong ni Drew sa akin.

"Oh don't worry Drew, hindi ko naman siya papatulan! Lalo na kung yung costume niya eh balot na balot. Parang may gustong itago," I told Drew pero medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Tricia.

She threw me a furious glare, "magiingat ka Aguilar. Baka ngayong gabi masira ang image mo," after she said that, she strode past me.

"Mag best friend nga kayo ni Naomi. Pareho kayong hindi mapagsabihan," sabi ni Drew nang makalabas na ang dalawa.

Operation: Break the Casanova's Heart (Editing)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!