"Maraming Salamat!" Sabay na pasasalamat ni Mr. Han, ni Ina at Ama.
"Salamat po," Pasasalamat ko rin. Lagi ko na lang nakakalimutan na bata pa nga pala ako.
Napangiti naman si Mr. Han at dinala kami sa second floor sa huling kwarto.
Binuksan niya ito at namangha ako dahil sa laki nito. Makulay din ang mga kagamitan kabaligtaran ng labas ng Pavilion na walang kabuhay-buhay.
"Hindi ba't napaka-laki naman ng kwartong 'to?" Alinlangang sabi ni Ama.
"Haha, ayos lang na manatili kayo rito ngayong gabi dahil ito na lang din naman ang natitirang bakante," Aniya.
"Marami pong Salamat!" Sabi ni Ama at yumuko gano'n din ang ginawa ni Ina kaya ginaya ko na lang sila.
"Magpahinga na kayo," Sabi niya at umalis.
===
"Keira, Anak, anong gusto mong bilhin bukas? Bibilhin ni Ina lahat ng gusto mo!" Masayang saad ni Ina at hinaplos ang buhok ko.
"Gusto ko pong magkaroon tayo ng salo-salo bukas dito at ilagay natin sa bangko 'yang pera dahil baka kunin nanaman ni Grandma at pamilya niya," Malungkot na saad ko.
"Hulog ka talaga ng langit sa amin ng iyong Ina. Kung wala ka ay maaaring mamatay tayo sa Gutom dahil huling trabaho na namin ngayong araw, at wala ng sasahurin pa." Sabi ni Ama at hinaplos din ang buhok ko. Huling ani na kasi ng pananim at sa susunod na Summer ulit sila magkakaroon ng trabaho.
"Magpahinga ka na, Anak. At tulad ng sabi mo, magkakaroon tayo ng salo-salo at tama ka, kaylangan natin ilagay ang pera sa bangko para hindi na maulit ang ginawa sa atin ni Grandma," Sabi ni Ama.
"Sige na," Sabi ni Ina at hinatid ako sa isang kwarto. Tatlo ang kwarto rito kaya hindi na ako mag-aalala kung saan matutulog sila Ina.
Pagka-lock ni Ina ng kwarto kaagad akong pumunta sa Space at tinanim ang mga mushrooms na pinaghahagis ko lang.
Pagkatapos ko magtanim halos kumalabog ng malakas ang puso ko dahil naka-open nanaman ako ng isang land area at isang kwadra na lalagyanan ng hayop.
Dahil madami na akong alagang hayop nilipat ko na lang sa kwadra ang mga Manok. Sa fifty square meters na nabuksan wala ng natirang space para sa mga alaga kong manok Gusto ko pa sana ilipat ang mga baboy pero wala ng space kaya hinayaan ko na lang muna manatili sa ginawa kong pwesto.
Pumunta ulit ako sa points mall at bumili lang ulit ako ng mga mushrooms at itinanim ulit sa 50sqm land ko.
Napatingin ako sa pera ko at halos manlumo ako dahil 3D 4G 2S at 5C na lang ang natira sa dating 3D 4G 7S at 9C na pera ko. Limang silver at apat na copper coins lang ang nagastos ko dahil mura lang naman ang mushrooms sa Points Mall ko.
A/N: Hirap balik-balikan ng bilang ng pera niya, huhuhu. Sa mga Perfectionist dyarn, sigii balikan niyo! Sabay-sabay tayong mahilo rito. (灬º‿º灬)♡
Pagkatapos ayusin ang Farm ko Kumuha na rin ako ng upuan at nag benta ng kung ano-ano. Wala akong libreng A.I ngayon dahil lahat sila na sa Mining Area kaya ako lang mag-isang nag-aasikaso sa Farm ko.
Halos hindi ako nakatulog para lang mapa-rami ang pera ko. At ng matapos ako 5D 4G 9S 3C na ang pera ko. Hindi na masama na halos dalawang Diamond rin ang nadagdag sa pera ko.
Pagkatapos nagluto lang ako ng Noodles at uminom ng Gatas saka naligo at natulog na.
"Keira, Anak, gising na." Tawag sa 'kin ni Ina kaya napakamot ako ng ulo. Hilo akong tumayo at nagpalit ng coarse na damit ko.
YOU ARE READING
A Game With The Villain
FantasyPaano nga ba alagaan ang Isang kaawa-awang Villain? Nag-simula ang lahat sa isang laro. Pinili ko SIYANG alagaan. Siya ay Isang Fictional Character na magiging Villain sa hinaharap. Hindi ko alam kung bakit siya ang pinili ko. Siguro, dahil sa a...
Chapter 12 Edited
Start from the beginning
