11: A New Bucketlist

Start from the beginning
                                    

12. Thank Topaz for saving your life

13. Make friends with random people without judging them

14. Talk with Sapphire and her parents and tell them how grateful you are for their kindness.

15. Apologize to Ravi for blaming him


These are some of the things I wrote down. Siguro 'pag natapos ko na ang mga iyan tsaka na ako gagawa ng panibagong listahan. Binasa ko muli ito at nakitang may nagawa na pala ako sa mga ito. I checked number four 'Go on a hiking trip and witness a beautiful sunrise or sunset from the mountaintop' and bit my lower lip. I should thank Ravi for making me experience that. Nasaan na kaya siya?


Matapos kong magsulat ay agad akong nag-gayak upang tumungo sa salon. Magpapagupit ako at magpapakulay, bagay na never kong ginawa dahil hindi naman ito importante...noon. Ano kaya ang hairstyle na ipapagawa ko? Bahala na. Ipagkakatiwala ko nalang sa hairstylist.


Paglabas ko nang dorm ay nakita ko si Topaz na palabas din ng building. "Hi Topaz" I greeted her with a big smile. "Wow, close tayo?" she responded sabay irap. This was the Topaz I know. Sabi ko na nga ba at iba ang epekto sa kanya ng alak.


Lumapit ako sa kanya at binigyan ito nang napakahigpit na yakap. "What the hell!" she tried escaping my embrace, but I held her tighter.


"You may not be aware, but thank you for saving me yesterday," 'saka ko ito binitawan. I skipped happily as I passed by her. Confusion was written on her face. Bahala na kung hindi niya maalala, I'm just thankful that it happened.


"Nyx! Wait!" paghahabol ni Topaz sa akin.


"Sabay na tayo pababa" she uttered. Sabay kaming sumakay ng elevator. "Saan ang punta mo?" she asked with an irritating voice. Alam ko hindi siya sanay makipag-usap ng maayos when she's sober kaya okay lang sa akin. Sanay na rin naman ako sa katarayan niya.


"Magpapagupit ako" matipid kong sagot. "Seriously? I have never seen you with short hair before" I just smiled at her, not knowing what to tell her. "Broken hearted ka ba?" tinignan niya ako ng maigi. "Ah? Hindi. Gusto ko lang ng bagong buhok" I told her. Hindi ba talaga niya maalala iyong pinag-usapan namin kagabi kaya ganyan siya makatanong.


"That's nice, you doing something out of your comfort zone," she genuinely smiled. "Thank you" I smiled back.


"May I suggest a salon?"


"Sure"


"Doon ka sa Kyla's, magaling sila doon. Though may kamahalan, worth it naman ang mga gawa nila. Hanapin mo si Ate Kyla tapos sabihin mo ni-refer kita"


"Salamat, Topaz" 


"Sure, whatever" she said with a sly smile sabay irap. Topaz may not change the way she speaks but I know, deep down, she has a heart.


Nang maghiwalay kami sa elevator, nag-search na agad ako online kung saan ang Kyla's. At hindi naman ito kalayuan, doon lang ito sa tabi ng MOA. May sarili itong building at bawat floor ay may specific services.

𝐖𝐢𝐬𝐡 𝐔𝐩𝐨𝐧 𝐚 𝐒𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 (Gemstones Series #1) | ✔Where stories live. Discover now