PROLOGUE

6 1 0
                                        

°⁽⁠⁽⁠ଘ⁠(⁠ WARNING )⁠ଓ⁠⁾⁠⁾°

Hindi pa ito na e- edit kaya maraming maling gramatika. Huwag gagayahin at gawin sa totoong buhay dahil isa lamang itong  kathang isip. Ang mga naka sulat dito ay pawang gawa gawa lamang.

皿。☬。☬。☬⁠。皿

Shawn Mendes- Kilalang kilala sa mundo ng mga krimen. Isa lang naman siyang Hari ng Mendrick group. Ang pinaka unang bata na na muno sa isang grupo. Sinimulan niya ito sa edad na 15 years old.

Misty Stone- Isang ordinaryong dalaga na inampon ng isang milyonaryong si Mr. Florin Stone. Dahil gusto ng asawa niya na mag karoon ng babaeng anak. Nagbago ang lahat ng mamatay ito. Tinatrato na itong parang basura kapag sila ay nasa loob ng bahay. Kapag nasa labas naman ay para silang mabuting tao kapag siya ay kanilang kasama..

Makakabuti ba ang pagdakip sa kanya o mahuhulog lang siya sa isang patibong ng pag ibig na hindi na niya kayang iwasan? Magbabago ba ang kanyang buhay o mas lalo lang siyang papahirapan?

皿。☬。☬。☬⁠。皿

" MISTY, napakagandang pangalan bagay sayo" ulit niya na may magandang ngiti sa kanyang mga labi.

Isa siyang may tao na may mahabang buhok, may magandang kayumanggi na mga mata. Nababagay iyon sa makinis niyang balat. Pagkakamalan itong dalaga kung wala itong  kulubot sa mata.

" Uh... Salamat po." Sabay ngiti ng dalagita.

Alam niyang hindi nanaman siya makakatagal dito dahil maraming mag asawa na ang nagbalik sa kaniya sa bahay ampunan dahil dalaga na 'daw' siya.

Eh labing tatlong gulang pa lang siya! Mukha lang naman! Kala nila niloloko sila.

Niyakap ng magiging nanay niya  ang asawa.
" Salamat sa magandang regalo Florin! The best katalaga lagi mo nalang akong sinosurpresa!"

Niyakap naman siyang pabalik. " Basta ikaw asawa ko" ngiti niya at nagyakapan sila.

" Ayan nanaman kayo sa ka cheesy- han niya màmà at pàpà." Saad ng lalaking pababa sa malaking hagdan.

Matangkad, gwapo, at mukang masungit! Naka uniform ito at halatang kolehiyo na at papasok sa eskwelahan. May dala kasi itong itim na bag.

Makakapag aral din kaya ako?_

" DITO ang iyong kwarto binibini. Nasa loob na din po ang mga gamit niyo. Tawagin niyo nalang po kami kung kailangan niyo kami." Saad ng manang habang may ngiti sa mga labi. Muka naman siyang mabait.

" Sige po salamat." Sagot niya at ngumiti.

Tumungo ang manang bilang sagot. Sinarado nadin niya ang pinto.

Pinagmasdan niya ang buong kwarto. Kulay rosas at puti ang mga gamit. Malaki ang kama. Hindi pa siya nakakaranas nito noon. Meron ding maliit na balkunahe na mayroong isang maliit na lamesa at may kasamang upuan.

Maganda dito magbasa.

Tinignan niya ang paligid pagkarating niya sa balkunahe.

Ang ganda naman dito! Sana magtagal ako dito! Maraming mga halaman at bulaklak.

Nakangiti siya habang ninanamnam ang simoy ng hangin. Kinuha niya sa kanyang lalagyanan ng gamit ang tanging libro niya. May pagkaluma na ito at halata ang katandaan. Makapal ang libro. Binigay ito sakanya ng isa sa mga madre sa ampunan, tinuruan din siya doon mag basa. Ayun na ang nakahiligan niya. Marami siyang natutunan sa mga madre. Ayun lang kase ang kinakausap niya dahil may kwenta silang kausap.

Mendrick series 1: GOOD LOCKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon