Martha's POV:
Wala ako masyadong trabaho ngayon kaya naman pa chill-chill lang ako dito sa opisina. May meeting si mam santi at dahil confidential ito ay hindi niya na ako isinama.
Nagbabasa lang ako sa laptop ng biglang mag ring ang phone ko. Kaagad ko naman itong sinagot ng makitang si mam santi ang tumatawag...
"Hello? Mam santi?"
"Martha? Can you come here... I need you."
Sandali pa akong natigilan, pero kaagad rin naman akong sumunod.
Inayos kolang ang mga gamit ko bago dali-daling lumabas at pumunta sa kung nasaan si mam santi. Madali lang naman akong nakarating sa room kung saan sila nag memeeting dahil malapit lang ito sa office ni mam santi.
Dalawang beses akong kumatok at handa na sanang buksan ang pinto pero naunahan nako ni mam.
Siguradong bakas sa mukha ko ang gulat sa mga oras na'to...
"Come."
'Yon lang ang sinabi niya at iniwan na ako. Kaagad naman akong sumunod at mahinang isinarado ang pinto.
Nakita ko si mam santi na nakabalik na sa swivel chair niya at tahimik na ulit.
Mukhang may nag p-present rin sa unahan pero nakahinto ito at nakatingin sa'kin, ganon rin ang iilan na tao dito sa loob. Halos lahat ay mayayaman at kilalang tao.
"Proceed..." malamig na tono na sabi ng boss ko.
Mukhang nagulat pa yung babae sa unahan dahil na-utal pa ito bago mag-patuloy.
May isang oras rin ang naging meeting. Nakaupo lang ako at wala naman ginagawa dahil 'yon ang sinabi ni mam santi.
"That's all for today. Ladies, gentlemen.." pagkasabi ni mam santi ay kaagad naman nagsitayuan ang mga kasama namin dito at magalang na nag-paalam sa boss ko.
Ngayon nga ay kami nalang dalawa ang natira dito sa loob. Kaagad akong ngumiti ng bumaling nang tingin sa'kin si mam santi. Mabilis lang 'yon at kaagad rin tumalikod at kinuha ang kanyang phone, mukhang may tatawagan.
Lumapit na ako sa table para kuhain ang mga gamit niya at ayusin, nahinto nga lang 'yon dahil pinigilan niya ako...
"No need." 'yon lang ang sinabi niya. Nasa tainga na niya ang cellphone at may tinawagan- "hello... reservation for two..."
Bumalik lang ako sa pwesto ko at hinayaan siya.
Ilang sandali lamang ay bumalik na siya sa kanina niyang pwesto at bumaling ulit sa'kin-
"Let's go. Let's eat lunch together."
Automatic napataas naman ang kilay ko sa narinig. Hindi pa halos nagsisink-in sa isip ko ang sinabi niya ng bigla naman itong nag-umpisa na lumakad palabas ng room.
Kinuha ko nalang ang dala kong gamit at mabilis nilakad pa sunod sakanya.
Bumalik siya sa office at may kinuha. Para lang akong aso na nakasunod sakanya, pati narin ang tingin ko.
Sobra talaga akong na aamaze sa kilos niya. Kilos mayaman, parang hindi makabasag pinggan. Idagdag mo pa ang way ng pananamit niya, simple but elegant. Hindi rin ito basta basta na damit lang, hindi sikat ang brand pero alam kong triple ang mahal nito.
"Before we go, please cancel all my meetings for today, martha. I'm tired, i want to rest."
Mabilis naman akong tumango-tango at nag-paalam muna na babalik sa table ko para gawin ang inutos niya. Bahagya naman itong ngumiti at muling nag-pasalamat.
Weird.
Ilang months palang ako dito, pero hindi ko makita ang sinasabi nung naging secretary niya before me. Sabi pa nito ay matapang daw ito at hindi maganda ang naging trato sakanyan at sa iba pa. Kaya naman nang pumasok ako dito dahil na tanggap ako ay kinabahan ako at natakot, pero mukhang kabaliktaran naman.
Mabait sakin si mam santi, palagi pa nga itong nakangiti kapag bumabati ako sakanya. Hindi naman totally ngiting ngiti. Tama lang para masabi ko na mali ang paratang sakanya.
Mga tao nga naman, masyadong mapanghusga. E ang ganda ganda kaya ng boss ko, palagi pa nga akong may libreng lunch o kaya naman ay dinner kapag overtime kami dito sa opisina. Tingnan mo nga ngayon at may libre pa akong lunch.
"Mam santi, ayos na po"
Tumango lamang ito at sinabing aalis na kami.
Pinauna ko siyang makalabas at ako narin ang nagsara ng office niya.
Ng makarating naman kami sa parking ay hinintay ko muna siya makapasok, natagalan pa nga kase marami siyang kausap sa phone. Ngayon nga ay may kausap pa ito habang nakatayo parin ako dito sa gilid niya.
"Okay. Just make sure. Sooner or later, gagamitin ko na 'yan" kaagad akong umiwas ng bumaling ang tingin niya sakin.
Kaagad naman niyang ibinaba ang cellphone niya at pinagbukasan pa ako ng pinto. Nahihiya naman akong nagpasalamat.
Taray, boss ko pa ang taga bukas ko ng pinto.
Hinintay kolang siyang makapasok, at ng tuluyan na siyang nakapasok ay sinigurado niya muna na wala na siyang naiwan.
"Seatbelt, please "
Ngumiti naman ako at Ginawa ko ang sinabi niya bago kami tuluyan umalis.
————————————————————————
A/N: hi guysss. Sorry, ngayon nalang. Daming gawain sa univ. masyadong dark pala itong story na'to guys, compared sa AGO. Kaya please wag na kayo magtaka. Baka dito muna ako mag focus kase buo na plot niya sa isip ko. Hirap na ako balikan story ni astrid kase nawala na sa isip ko takbo ng story niya. Pero don't worry, tatapusin ko 'yon. Hindi lang muna now.
