Chapter 7

5K 355 243
                                        

Chapter 7

"I know..." wika ni Miss Sylvia na may nakakakilabot na ngiti sa mga labi.

At bago pa man ako maka-react, biglang bumaligtad ang mundo ko nang makita si Andrea na dumadaing at bumubulwak ang masaganang dugo sa bibig nito.

"Andrea!!!" nanghihilakbot kong sigaw.

Sinaksak ito ni Miss Sylvia sa lalamunan at walang buhay na bumagsak sa paanan ko.

Tigagal akong tumingin kay Miss Sylvia. Napupuno ng katanungan ang isipan ko. Hindi ko maproseso ang nangyari.

Hindi ako makapag-isip nang maayos!

"Miss Sylvia—?!"

Mas pinaniniwalaan ba niya ang kapatid niya—?

Hindi! Mali! Alam na 'to ni Miss Sylvia noon pa man!

"A-Alam mo kung sino ang pumatay kay Mary..." anas ko. Muling naglandas ang masagang luha sa mga mata ko.

Ngumisi si Miss Sylvia. Ibang-iba na siya. Hindi na siya ang mabait, sweet, ngunit istriktang guro na nakilala ko...

"Of course, I know..." nakangiti niyang wika habang pinupunasan ng panyo ang dugo sa punyal na ginamit niya kay Andrea. "Ako lang naman kasi ang nag-utos sa kapatid ko na patayin siya..."

Lalong binaha ng luha ang mga mata ko.

"My acting is really convincing, right?" aniya.

"H-How c-could you?!" Halos hindi ako makapagsalita dahil parang may bumibikig sa lalamunan ko. "Ba't niyo siya pinatay? M-Mahal mo siya, h-hindi ba? Minahal ka rin niya—!"

Bigla siyang tumawa. Tawa na nang-iinsulto. "Okay, that was funny! Anyway, here's the truth, Jocas. I never loved her. I never loved Mary, Jocas! Ginamit ko lang siya para makuha ko ang mga gusto ko!"

Pinaglandas niya ang talim ng punyal sa mukha ko.

"Mary was always the favorite. Siya ang pinakamaganda, pinakamatalino, pinakamabait...siya ang laging magaling...samantalang ako...pumapangalawa lang lagi sa kaniya sa lahat ng aspeto. I was living in her shadows and I can't live with that forever!...Hanggang sa nagpasya na akong tuluyan na siyang alisin sa landas ko... Parang tulad niyo lang ni Andrea. No wonder this bitch tried to kill you."

Nangmamaliit niyang tinapunan ng tingin si Andrea at sinipa pa ang walang buhay nitong katawan.

Naramdaman ko ang tuluyang pagluwag ng tali sa 'kin dahil kanina ko pa pasimpleng kinakalas 'yon, pero hindi ko muna 'yon tuluyang binitiwan. Naghahanap ako ng tiyempo. Ayokong makahalata sila na nakawala na ako sa gapos ko.

"Honestly, I don't want to kill you, Jocas. I do really like you...even if you remind me of Mary a lot..."

Kung narinig ko ang mga salitang 'yan dati, baka magtatalon pa ako sa kilig at tuwa, pero hindi na ngayon. Lahat ng paghanga ko sa kaniya, nawala nang parang bula. Wala akong ibang nararamdaman sa kaniya kundi pagkasuklam!

"Kung hindi mo na sana pa inungkat ang tungkol kay Mary...masaya pa sana tayong dalawa..."

"Sylvia! Ano pang hinihintay mo? Patayin mo na siya at marami pa tayong ididispatsang bangkay dito! O baka naman gusto mong gawin sa ko rin sa kaniya ang ginawa ko noon kay Mary?"

"Nope! This one is mine!" ani Miss Sylvia. "Ba't hindi mo na lang muna dispatsa ang mga kailangang idispatsa? Bumalik ka na lang dito pagkatapos."

Nang umalis si Sir Sandro, marahas na hinawakan ni Miss Sylvia ang panga ko dahilan para impit akong mapasigaw dahil sa sakit.

Bloody Mary (GL) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon