Chapter 6

4.4K 328 139
                                        

Chapter 6

"Kuya, ano ba?! Nasasaktan ako!"

Hindi ko itinuloy ang pagpasok ko sa loob ng room nang marinig ko ang tinig na 'yon ni Miss Sylvia. Ngunit sumilip pa rin ako sa loob dahil bahagyang nakaawang ang pinto. Pupuntahan ko si Ma'am para i-raise sana ang concern namin sa scaffolding.

Nakita kong mahigpit na hawak ni Sir Sandro si Ma'am Sylvia sa braso habang nagtatalo ang mga ito.

"Sinasabi ko sa 'yo, Sylvia! H'wag na h'wag mo 'kong bibigyan ng kahihiyan!!!"

Halos mapaigtad ako sa kinatatayuan ko. Hindi man pasigaw ang pagkakasabi nito, nakakasindak naman and diin at tono ng pananalita nito.

"You're getting it all wrong, Kuya!" Nakawala si Miss Sylvia sa pagkakahawak ni Sir Sandro. "There's nothing going on between us! Pati ba naman si Jocas, pag-iisipan mo nang ganyan! She's just my student!" ganting wika ni Miss Sylvia na may kaparehong intensidad.

Sa kabilang banda, nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Tinatambol pa ang dibdib ko sa kaba kaya parang lalo akong itinulos sa kinatatayuan ko.

Naririnig ko pa rin silang nagtatalo pero wala na akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Parang nablangko ang utak ko.

Namalayan ko na lang na lumabas si Sir Sandro kasunod ni Ma'am. Hindi na ako nakakilos pa at tinanggap na lang ang mariing tingin sa 'kin ni Sir Sandro hanggang sa lagpasan ako nito.

"Jocas..."

"M-Ma'am—"

Hinila niya 'ko papasok sa room at ini-lock 'yon.

"You heard us, right?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi ko naman po sinasadya, Ma'am."

"I know. Kung anuman ang narinig mo, kalimutan mo na. Just don't mind him... Medyo mahigpit siya sa 'kin sa ilang mga bagay," aniya at saka nagkuwento.

Napag-alamam kong ulilang lubos na silang dalawa at ang Kuya Sandro niya ang nagtaguyod sa kanilang dalawa pagkatapos masawi sa aksidente ang mga magulang nila. May mga ilan silang kamag-anak na kumupkop sa kanila pero pansamantala lang at pinagpasa-pasahan sila, hanggang sa nagpasya na ang Kuya niya na mamuhay na silang dalawa lang. Gayunman, konserbatibo pa rin ang kinamulatan nila kaya ganoon na lang daw ang pananaw niya sa ilang mga bagay.

"Nalaman po ba niya ang tungkol po sa inyo ni Mary?" bigla kong naitanong.

Umiling siya at mapait na ngumiti.

Mayamaya'y pareho kaming natahimik...hanggang sa basagin na nito 'yon.

"Jocas... Nakikita at nakakausap mo pa rin ba si Mary?"

Hindi ako agad nakasagot.

Pagkatapos niyang ipakita sa 'kin ang kahindik-hindik na bagay na 'yon...wala na.

Hindi ko na rin siya maramdaman.

Kinuyom ko ang mga kamao ko para pigilin ang pagragasa ng mga emosyon sa 'kin.

"Nandito ba siya?"

Umiling ako. "Wala po."

"Ganoon ba. Pwede bang makisuyo na lang sa 'yo?" tanong ni Ma'am.

"O-Oo naman po."

"Pwede bang pakisabi kay M-Mary na—I do r-really, really miss her... At kung maaari...kahit isang beses lang...gusto ko siyang maramdaman..."

Bloody Mary (GL) - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon