♂Epilogue♂

Chloe’s POV

Nandito ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang taong pinakamamahal ko. Ilang buwan na din pala ang nakalipas ‘nung nilisan niya ang mundong ‘to. Nung iniwan niya ako. Nakasalampak ako sa may damuhan at nakahawak ako sa kanyang nitso. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Ni hindi man lang siya pinatagal sa piling ko. Sana nakasama ko pa siya ng matagal. Ganito pala ang pakiramdam nang mamatayan ng anak.

Ang anak dapat ang maghahatid sa magulang sa kanilang huling hantungan pero hindi ko inaasahan na ako ang maghahatid sa kanya dito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap. Ang hirap magmove on. ‘Yung pakiramdam na akala mo ay okay ka na pero kapag naalala mos iya ay maiiyak ka na lang bigla. ‘Yung pakiramdam na kanina masaya ka, maaalala mo lang siya malulungkot ka na.

Sachi Jane Rosette.

Hindi mapagsidlan ang saya ko nang isilang ko siya. Hindi mapantayang tuwa ang naramdaman ko. Pakiramdam ko nga mas masaya ‘nung nailuwal ko siya kaysa ‘nung nagpakasal ako kay Saturn, eh. Napangiti na lang tuloy ako. Ang lusog niya noon. Ang laki pa niya niya para sa isang baby na bagong labas lang pero nalaman naming may butas ang kanyang puso.

Masyado daw delikado kay Sachi ang operasyon. Maisip ko pa lang na masasaktan siya ay hindi ko na kaya. Sabi ng doktor ay kailangan daw operahan si Baby Sachi. Pumayag naman kami kaagad dahil kung hindi siya ooperahan ay baka mas lalong lumala ang komplikasyon sa puso niya. Wala akong nagawa noon kundi ang magdasal na sana mabuhay ang anak ko. Sana patagalin pa siya sa piling ko.

Isang buwan din ang nakalipas bago siya operahan dahil marami pang test ang ginawa sa kanya. Naaawa na nga ako sa anak ko. Sobrang bata pa niya para maranasan ang lahat ng ‘yun. Kung pwede nga lang sanang ilipat ang sakit niya sa akin ay gagawin ko para ako na lang ang mahirapan at hindi siya.

Sabi pa ng doktor na magiging delikado daw ang operasyon at hindi daw nila masisigurado ang kaligtasan ni Baby Sachi. Pero nakipagsapalaran kami. Ibinigay ko ang aking buong tiwala sa Diyos.

Kaya lang, matapos ang ilang oras ng operasyon, idineklara ng doktor na hindi kinaya ng baby ko. Wala na siya.

 Pinahid ko ang luhang pumatak sa nitso niya. Hanggat maaari ay ayaw ko nang umiyak dahil alam kong masaya na siya kasama ang Diyos sa langit. Gusto ko nang magmove on kaya nagpunta ako dito. Ngayon na lang ulit kasi ako nakapunta dahil ayaw ko noong pumunta dito dahil nga natatakot akong lumapit sa puntod niya. Kaya ngayon naglakas loob na akong harapin ang lahat ng ito. Handa na akong tanggapin ang lahat.

“I love you Baby Sachi. Promise, hindi na malulungkot si Mommy.” biglang umihip ang hangin at ramdam ko iyon sa buo kong katawan na para bang may yumayakap sakin. “You’ll be always in my heart.”

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang nitso niya.

“Gummy!” napatingin ako sa sumigaw. Isang matangkad na lalake, nakashades, at higit sa lahat—GWAPO ang papalapit sa akin.

Sino pa ba ang tumatawag sa akin ng Gummy? Eh, ‘di syempre ang asawa ko. Naks! Asawa na talaga. Kahit na mag-i-isang taon na kaming kasal ay hindi pa rin magsink-in sa akin na kasal na kami.

Umupo siya sa may likudan ko at niyakap ako mula sa likod.

“You okay?” tanong niya.

“Oo naman.”

“Umiyak ka na naman,” tapos hinalikan niya ang batok ko. “Akala ko ba move on na?” malungkot ang boses niya.

Sa ilang buwang pagluluksa ko, siya ang kadamay ko. Hindi niya ako iniwan kahit alam kong nahihirapan na siyang alagaan ako. Alam ko din namang minsan nauubusan na siya ng pasensya sakin pero nandyan pa rin siya sa tabi ko. Madalas ko siyang naaaway at napapagtaasan ng boses pero hindi niya pinansin ‘yun. Ang swerte ko talaga sa kanya.

He's a MonsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!