Chapter 15. Second thoughts.

Start from the beginning

Tzk.

Nakakainis siya.

Nakakainis siya dahil tinawag niya ako sa casual na paraan.

"Goodnight, Red..."

Red...

I liked the way he spoke those words noong gabi ng party.

Bakit ba hinahanap-hanap ko ang ka-sweetan niya sakin?

Mabuti na nga iyong nakuha na niya ang hint na hindi ako interesado sa pakikipagrelasyon.

Whooh! Sige, magsinungaling ka pa sa sarili mo, Ruby...


Tss.

Mas mabuti na siguro 'yong ganito, ang umiwas-iwas muna sa mga pagi-pag-ibig na 'yan, ako na ang nai-stress sa kakaisip.

Mas mabuti na rin 'yong siya na ang kusang maglagay ng distansya sa pagitan namin dahil kung hindi ay malamang na magpatianod na naman ako sa nararamdaman ko.

Ayokong masaktan.

Takot akong masaktan...

Lalung-lalo na kapag mahal ko ang taong magiging rason para masaktan ako.

Takot akong sumugal...

Hindi lahat ng lovestory ay nauuwi sa happy ending...marami ang nauuwi sa hukay.

Ah! Matulog ka na Ruby!


TOK. TOK. TOK.

Tzk.

Parang 30 minutes ko pa lang naipipikit ang mga mata ko...

TOK. TOK. TOK.

Umaga na ba 'to sa lagay na 'to?

TOK. TOK. TOK.

Tss.

I hate mornings...

TOK. TOK. TOK---

"HOY RUBY GONZALES! ALAS-OTSO NA NG UMAGA! HUWAG MONG SABIHING NAKAHILATA KA PA RIN DIYAN?!"

Tzk.

Boses iyon ni Dove.

Kailan pa 'to dumating galing Paris at ako na naman ang unang-unang magdurusa sa pagdating niya?

Narinig ko ang pag-unlock ng pintuan, malamang na kunuha niya ang duplicate key kay Twix.

Gusto ko mang tumayo pero mas hinihila ako ng kama, parang ayaw nitong mawalay sakin...ayaw niya akong pakawalan...kaya ayoko siyang iwan..

"Madre Mia! What is the meaning of this?!" maarteng entrada ni Dove papasok sa kwarto ko.

Kahit nakapikit ang mga mata ko ay hindi ko na kailangang idilat iyon para makita ang kaartehan ng pinakamamahal naming bakla, dahil nakaukit na sa isipan ko ang eksaktong guhit ng facial expressions niya.

"Rub...you okay?" narinig kong tanong Cheese na naramdaman kong umupo sa gilid ng kama.

"Hmmm..." tanging nasagot ko na lang dahil pati bibig ko ay tinatamad pa yatang bumuka dahil nga inaantok pa ang buong sistema ko.

Kasalanan mo, Z...

I couldn't sleep because of you...

"Bruha! Bumangon ka na't marami tayong pag-uusapan."

"Utang na loob, Dove, napakaraming problema ang Pilipinas bukod sakin..." pilit na sagot ko.

"Z."

The Elite Men Empire Series: Singing Zeus a Love SongRead this story for FREE!