Chapter 2

682 36 10

"Where are you going, Dad?" Nagtataka kong tanong nang inalalayan niya si mama palabas ng kanilang kwarto. I could sense that Mom's not feeling well, kaya naman nagtataka ako kung bakit hindi nila tinawagan si Dr. Lee.

"We're going to the hospital, Josh. Si Mang Edwin na muna ang maghahatid sayo ngayon." He said and I was surprised. Did it mean it would take long? Limang linggwahe ang alam ni Dad, at isa na run ang Tagalog at Bisaya. He's a missionary after all.

"Is mom alright?" Habol kong tanong nang pababa na sila sa hagdanan. For the past fifteen years of my life, ngayon ko lang nakitang balisa si Dad habang akay-akay si Mom.

"I pray to God that she'll be alright." Narinig kong sabi ni Dad at hindi ko na masyadong nasundan dahil biglang sumulpot si Mang Edwin.

"Sir Josh, handa na po ba kayo? Ako na muna ang maghahatid sa inyo ngayon." Anyaya ni Mang Edwin at tumango na lang ako habang sinusundan ng tingin sina papa palabas ng mansyon.

"Did you think it's weird?" I asked Mang Edwin.

"Ang alin po?"

"Na pupunta sila sa hospital. Pwede naman nilang tawagan si Dr. Lee."

Hindi ko alam pero biglang pinagpawisan si Mang Edwin. Sa tingin ko may alam siyang hindi ko alam. But then again, I'm the son so they would have told me first before anyone else.

"B-baka po wala si Dr. Lee." Nauutal niyang sagot.

"Well, let's go, anyway." Sabi ko sabay talikod upang umalis. Maybe it's an adult matter.

As of now, kailangan ko ng pumunta ng school before it's too late. May kailangan pa akong puntahan.

IISANG school lang ang pinag-aaralan namin ni Naomi. Sa Thompson Christian School. I was already in third year high school samantalang siya naman ay grade schooler, Grade 4 specifically.

Halos lahat ng mga estudyante sa school na yun ay anak ng mga pastor, o kaya naman ay mga missionaries. Christian school kasi yun and it's not a surprise kung mga Christians din ang nag-aaral dun. Iilan lang ang non-Christians.

Ang totoo nyan, I don't like the school that much. Kahit kasi mga Christians ang nandoon ay marami pa ring lakwatsera, matigas ang ulo at mga pasaway. At kung sino pa yung anak ng pastor ay yun pa ang nagsisimula ng gulo.

One time, napadaan ako sa may corridor ng elementary department upang makausap ang teacher ni Naomi, may parents' meeting kasi sa hapon ang kanilang section at dahil busy sina Tito Jonathan sa outreach program, ako na muna ang pupunta.

Hindi yun ang unang pagkakataon na ako ang pumunta sa parents' meeting ni Naomi, kaya medyo nasanay na rin ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit napaka busy ng buhay nina Tito Jonathan, to a point na hindi na nila nagagawa ang gawain ng isang magulang. Ganoon din sina Papa at Mama. Kinontento ko na lang ang sarili ko na siguro ganun talaga kapag pastor ka, mas lalo na kapag busineswoman.

Pagdaan ko sa corridor, dun mismo sa harap ng classroom ni Naomi, nagulat ako ng marinig ko ang kanyang pamilyar na pag-iyak. Agad kong tinakbo ang loob ng classroom at naabutan ko siyang basang-basa sa sariling luha, kaharap niya ang isang matabang bata na lalake.

Without wasting a minute, dumalo ako sa kanilang gitna habang niyayakap gamit ang isang kamay si Naomi. Minsan lang akong magalit, at ang madalas na rason nun ay si Naomi. Naniningkit ang mga mata ko sa galit sa batang yun, at kahit ako ang mas matanda ay di ko mapigilang suminghal.

"What did you do to her? Why on earth is she crying?!" Singhal ko sa batang lalake. Kilala ko ang batang to. Anak siya ng isang leader sa aming church. Isang Alfonso.

Beauty And The BeatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!