Kahit kami lang ang nakakaalam ng meron kami, masasabi kong masaya at kuntento pa rin ako. May mga pagkakataon pa rin naman na nahihirapan ako pero sinisikap namin parehas na bawiin na lang iyon sa ibang paraan.

“You have a talent,” he pointed out.

“Let’s not talk about talents. Proceed na tayo sa guitar tutorial mo.”

“Ang sabi mo may lakad ka bukas ng umaga diba?”

I nodded. “Yup. Umuwi na si Lola galing Spain. Reunion lang gano’n tapos yabangan ng yaman at mga narating nila sa buhay.”

“So, let’s continue this tutorial next time. Pahinga ka na muna.”

“Bukas din birthday ni Jagger diba? Susunod na lang ba ako?” I asked him.

“Kung kaya lang ng oras. You don’t have to force yourself.”

Umiling ako. Matagal na naming plano itong birthday ni Jagger. Maraming bisita doon pero pupunta pa rin ako. Kasama ko nga lang si Nathan para hindi naman kami maging kahina-hinala.

“I can make time. Kasama ko naman si Nathan kaya susunod na lang kami,” deklara ko.

He planted a kiss on my forehead. Inabot ko rin sa kaniya ang gitara niya habang sinusundan ko siya palabas ng condo ko.

“See you tomorrow, love.”

I smiled. “See you.”

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa Cavite pa ang resthouse nila Lola. Doon din kasi nila napiling ganapin ang reunion namin. Ang sabi naman ni Mommy ay doon na lang din kami magkita.

Nagbaon na rin ako ng damit na isusuot ko para sa birthday party ni Jagger sa isang hotel sa Makati mamayang gabi. Mabuti na lang din at kasama ko si Nathan sa reunion na ito.

Plastik na ngiti ang iginawad ko kay Tita Linda. Siya ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa resthouse. Kasama niya ang panganay niya na si Lindsay na ilag din sa akin. Ayos lang dahil wala naman akong pakialam sa kaniya.

“You look stunning, Darlene!” Tita Linda approached me. Saglit kaming nagbeso bago siya lumayo sa akin.

I smiled. “So are you, Tita.”

Agad na natunaw ang ngiti ko nang talikuran ko siya. Hinanap ng mata ko ang magaling kong pinsan at nakita kong kumakanta na agad siya sa videoke! Ang bading na ito. Umaga pa lang pero huma-high notes na.

“Ang aga mo naman para mag-feeling Mariah Carey d’yan!” paninita ko sa kaniya.

“When you left I lost a part of me. It’s still so hard to believe. Come back baby please ‘cause we belong together,” kinanta ni Nathan iyon habang nagme-make face pa sa harap ko.

Naagaw ng pansin ko ang pagdating ng mga magulang ko. Magkasunod na pumasok si Mommy at Daddy pero mapapansin pa rin ang pagiging ilag nila sa isa’t isa. Ang sabi sa akin ni Mommy ay nagkapatawaran na sila pero bilang anak? Kapansin-pansin ang changes nila sa isa’t isa.

Hindi na iyon tulad ng dati. Clingy sila noon pero ngayon ay halos hindi na magdikit. Kung maghahawakan naman ng kamay ay agad ding magbibitaw. Parang nagsasama na lang sila para tiisin ang nalalabi nilang taon.

“So, tapos na ang special number ko. Ikaw ba? Ayaw mo ba kumanta?” tanong ni Nathan sa akin. Umupo na siya sa tabi ko dahil tapos na rin siyang kumanta.

“Ayoko nga. Baka ma-discover pa ako tapos maungusan ko pa career ng boyfriend ko.”

“Yabang talaga ni bakla! Iyan talaga ang flex. Idol ko lang dati, boyfriend ko na ngayon ang ganap!” sabi niya na sapat lang para marinig naming dalawa.

Endless Harmony (The Runaway Girls Series #3)Where stories live. Discover now